LETICIA VIDA “You must be out of your mind...” madiing sambit n’ya habang sinisingkitan ako ng kan’yang mga mata. “Maybe I am but you can’t refuse... or if you want me to unload your funny face online, it’s up to you.” “Get... out. Now.” Nananayuan na ang mga balahibo n’ya sa inis kaya umalis na lang ako sa working station. Papalamigin na muna ulit ang kan’yang ulo. Ang galing ng naisip ko kagabi na litratuhan ang lasing n’yang mukha. Hindi raw available ang guest rooms pero naka-ligo na nga ako sa bathroom kanina. Matagal-tagal pa naman ang gabi kaya iikutin ko muna itong buong mans’yon para makakabisado ko na. Hindi na ako nagpasama pa kay Nadina at nang sumapit ang ala sais ng gabi, mag isa akong naghapunan sa loob ng malawak na dining hall. Inubos ko ang pagkain at nakitawag