"Ano handa na ba kayo?" nakangising tanong sa kanila ni Gena habang may hawak hawak na baril sa mag kabilang kamay. "Hindi muna natin papakielamanan si Rhia at sabi nga ni David? Mas maganda kung unahin ang mas malapit sa kapahamakan." ngumisi ito sa kanila. "Talaga bang susugod tayo?" he asked. "Hindi tayo susugod. Manonood lang kayo at kami ang bahala ng kasamahan ko." Hindi maalis ang ngisi sa bibig nito habang kinakasa ang mga baril. Nilagay nito sa mag kabilang bewang ang baril. Tinignan nya ang hawak nyang baril at tinago sa bewang nya. Hinilot nya ang kanyang kamay dahil pakiramdam nya mapapasabak sya. "Umuwi ka na sa inyo, Gabriel. Miss na miss ka na ng asawa mo at para na din mag sama sama ang tatlong yon." "Hindi pa parang mas mapapahamak ang pamilya ni gabriel non? Di biro