"Ang ganda nung Mel no?" Mabilis nyang sinamaan ng tingin si Gio na isa sa mga kaibigan n'ya habang ngitin giting nakaharap sa kanya. "Ganda no?" "Shut up!" Tumawa ito ng malakas at padabog na umupo sa upaun nya. Dinukdok n'ya ang kanyang ulo dahil sa inis. Kahit kailan hindi sya nito napapansin, sabagay sino ba kasi papansin sa tulad nyang mataba walang ibang ginawa kundi kumain ng kumain. "Alam mo ba kasi Gabo, dapat nag papayat ka. Kita mo 'yung Buds? Lagi silang mag kasama." napatingin s'ya sa tinuro ng kanyang kaibigan na si Gia. Totoong lagi itong mag kasama at bali balita din na mag kaibigan ang dalawang pamilya nito. "Hindi pa sila pwede dahil 10 years old palang sila." sagot nya dito. "At tayo eleven? Pwede na kong manligaw sabi ni Mommy!" pag mamalaki nito. "Kaso kailanga