KASAMA ni Sovella, ang dalawang kaibigan na sina Atty. Gerlie Gonzales at Detective Arenna Mansani, kumakain sila ng lunch sa isang Korean Restaurant. Sunday at walang pasok kaya sinamanta nila ang pagkakataon. “Ang aga naman ng pag-inom mo, Gei?” puna ni Sovella, sa kaibigan. “Beer lang naman ito at bagay sa kinakain natin.” Nakangiting sagot no Atty. Gonzales. “Maiba ako anong balak mo kay ex-husband?” “Wala, tama na ang mga nalaman ko, nakonsensya pa ako ng sobra noon ‘yon naman pala ay hindi talaga siya nakulong.” “Yeah, kaya lang sinubukan ka pala niya kung mahal mo talaga siya at sa kanya ka maniniwala. Kaya lang mas naniwala ka kay Madam Marina, kumpara sa mga sinabi niya. Ngayon sa kanya ka nagtatrabaho sa palagay mo ba wala siyang binabalak na masama sayo?” Seryosong tanong ni