KAHARAP ni Sovella, ang ama ni Harry, wala siyang idea bakit siya pinaupo nito sa harapan ng chairman. O baka naman dahil isa siya sa tatanggalin sa trabaho dahil laging late kung pumasok? “Hija, gaano kana katagal sa kumpanya ng anak ko?” “Anim na buwan na po, sir...” “Chairman JM, ang itawag mo sa akin, ahm… may idea ka ba kaya kita kinakausap?” “O-Opo, isa ako sa matatanggal na empleyado dito sa kumpanya.” “Kung yon ang iniisip mo bakit parang ayos lang sayo?” “Ahm… kagaya po ng sinabi ko kanina kay chairman Harry. Magiging busy din ako sa mga darating na araw kaya tama lang din ang pagkakasesanti ko. At ayos lang po sa katunayan once nag-file na ako ng resignation letter nang nakaraang buwan. Hindi lang ako pinayagan ni Chairman.” “Okay, ganito na lang pag talagang inalis ka dit