MALAKAS ang pagkakauntog ng ulo ni Cassandra nang madulas siya sa loob ng banyo. Isang linggo pa lamang mula nang manganak siya. Sinikap niyang bumangon ngunit nakaramdam siya ng pagkahilo. Kaya mahigpit siyang napahawak sa wall upang makatayo nang maayos. “Ano’ng nangyari sa ’yo, Cassandra?” nag-aalala na tanong ni Marcus sa kapatid. “K-Kuya!” Bumagsak ang katawan niya sa carpet at nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang ulo. Tuluyan siyang nawalan ng malay. “Cassandra, gumising ka! Manang!” malakas ang sigaw ni Marcus nang makapasok siya sa banyo. Binuhat niya ang walang-malay na kapatid palabas. Nakasalubong pa niya ang nagmamadaling ginang upang daluhan sila. “Take care of the baby and I will bring her to the hospital,” dali-daling habilin ni Marcus sa kasambahay. Saka isina