ILANG araw pa lang magmula nang makabalik ng bansa si Cassandra. Ilang gabi na rin siyang hindi dalawin ng antok, binabalikan sa isipan ang lahat ng alaala. Hindi maiwasang mamasa ang kanyang mga mata kapag naaalala ang sakit ng pinagdaanan niya sa kamay ng asawang si JM pati na rin sa pinsan niyang si Yzabelle. Pagsapit ng madaling-araw ay saka pa lang siya tuluyang nakatutulog. Kinabukasan ay mataas na ang araw nang magising siya. Agad siyang nagtungo sa banyo upang maligo. Ngayon ang araw na pupuntahan niya ang asawa sa opisina nito. After breakfast ay sumakay na siya ng kotse patungo sa Montemayor International Shipping Lines. Kinakabahan siya sa maaaring mangyari sa paghaharap nila. Makalipas ang twenty minutes ay nag-park siya sa basement parking ng mataas na building. Malala