“I’M sorry, JM, but I want to go back to my brother. He needs me. Kapatid ko ang lalaking kinamumuhian mo. Kung hindi ko siya pupuntahan, sino pa ang maaaring magmalasakit sa kanya? Alam mo kung gaano kahirap at kasakit kapag tinataguan ka ng taong mahal mo. Nakakabaliw ang one-sided love at dinanas ko na iyon. My brother is broke now.” “Paano naman kami ng anak natin?” “Sorry, sana lang maunawaan mo kung bakit ko gagawin ito. Saka sanay ka naman na wala ako sa piling nyo. At tungkol sa kapatid ko alam kong malaki ang kasalanan niya dahil sa pagkakamali na nagawa niya. Late niya na na-realize na mahal na mahal pala niya ang pinsan mo. At hindi ko kayang makita na sinisira ni Kuya Marcus ang sarili dahil kay Caithlyn. Nangako ako na babalikan ko siya. Ako lang ang tanging makakatulong sa