NANG magsitayuan na ang mga pasahero para bumaba ay hindi sumabay sina Gianne. Naghintay muna sila ng twenty minutes bago nag pasya nang bumaba. Pagkababa nila ay hindi naman sila masyadong nagtagal sa immigration dahil kaunti na lang ang pila nang dumating sila roon. At matapos matatakan ang passport nila ay dumeretso agad sila sa baggage claim area para sa kanilang mga gamit. “Son, over there, the blue one.” Wika ni Gianne sa anak na panganay. Ngunit nang dadamputin na ni Harry ang maleta ay may kamay na nauna rito. Nang tingalain ni Gianne kung sino ang lalaking iyon ay agad niyang nakilala ito. “K-Kuya Josh?” “No, it’s me, Delta. Who’s with you? Bakit hindi kayo nag-private plane?” nagtataka na tanong sa kaniya nito. “Ah, kaming tatlo lang… Ahm… mahabang kuwento, kuya. Kumusta? B