CONFIRMED na mayroong amnesia ang dating asawa mo, JM. Magmula nang magising siya mula sa coma ay wala na siyang naalala pa.” wika ng pinsan niya.
“Paano mo nalaman ang tungkol doon, Jake?” nagtatakang tanong niya pa dito.
“May kaibigan akong doktor sa mismong ospital na kinaroroonan ni Gianne.”
“Ah, okay. Sige, salamat.” Hindi alam ni JM, kung kay Gianne siya magagalit dahil pinaniwala siya nitong dying na tapos heto at buhay na buhay. O tamang kay Marcus Ortega dahil nakakasiguro siyang ito ang nagmanipulate ng sitwasyon. Sigurado din ang lalaking iyon ang nagplano ng lahat.
“Welcome, pinsan. Ngayon gabi ang lipad ko pauwi ng Pilipinas, baka may ipagbibilin ka?” aniya habang nakamasid siya, sa pinsan nais niyang mabasa sa mukha nito ang tunay nitong nasa loob. Dahil sa mga nalalipas na buwan at taon. Alam niya kung gaano ito nasaktan sa kaalamang dying ang asawa nito o tamang sabihin na namatay na.
“Wala naman. Regards na lang sa kanilang lahat doon.” wika na lang ni JM, kahit may gusto pa siyang ipagbilin pero nagbago ang kaniyang isipan.
“Okay, sige. Maiwan na kita.”
“Ingat, pinsan.” ani na lang niya bago kumaway dito.
“I will. Bye.”
Nang wala na si Jake, ay nag-ring ang cell phone ni JM, ang kanyang pinsang si Josh ’yon.
“What’s up? Kailan ang uwi ninyong mag-ama dito sa Pilipinas? Ang sabi ni Auntie Trisha ay plano mong ilipat dito ang anak mo?”
“Hindi pa sigurado dahil pinag-iisipan ko pang mabuti kung tama ba na bumalik kami riyan. Nakita ni Harry si Gianne sa news kaya gusto niyang umuwi para makita ang kanyang ina. Nag-aalala lang ako na baka masaktan lang ang aking anak.”
“Bakit hindi mo subukan? Sabi mo, mahal mo pa ang ex-wife mo. Ito na ang pagkakataon mo, ligawan mo uli siya. Tamang-tama, may amnesia siya, hindi ka mahihirapan pa.”
“Hindi gano’n kadali ’yon. Baka magkamatayan lang kami ng Marcus na ’yon.” muling nabuhay ang galit ni JM, nang marinig ang sinabi ng pinsan.
“Bakit iyan ang iniisip mo? Limang taon na ang nakalipas, baka nagbago na ang pananaw ng kuya ni Gianne. Saka baka ikaw pa ang makatulong sa kanya para bumalik ang alaala niya.”
“Pag-iisipan ko muna, pinsan.”
“Sige, ikaw ang bahala.”
***
SA Germany ay nakatanggap ng tawag si Marcus at hindi niya napigilan ang magalit. Talagang hinahamon siya ng mga Montemayor. Matagal nang hiwalay ang kanyang kapatid at si JM para magkaroon pa ng ugnayan, ngunit ano itong kanyang nabalitaan? Ngayon niya na-realize na maling ibinigay nila ang anak ng kapatid sa ama nito. Siguro kung hindi niya sinunod si Gianne sa kahilingan nito ay tahimik sana ang kapatid niya ngayon. Sa mga ginawa ni JM sa kanyang kaisa-isang kapatid ay galit na galit pa rin siya rito. Kailangan niyang kumilos bago pa makagawa ng hindi maganda ang mga Montemayor. Agad niyang tinawagan ang kanyang kaibigan.
“Hello, dude. Napatawag ka?”
“I need your help, bro.”
“What help do you want?”
“Si Cassandra, nariyan sa Pilipinas, at ayaw kong magkaroon pa ng ugnayan ang kapatid ko sa lalaking iyon.”
“Pakakasalan ko na ba ang kapatid mo?”
“Yes, as soon as possible! Ako ang bahala sa company mo. Basta siguraduhin mong kasal lang kayo sa papel at huwag na huwag mong hahawakan kahit dulo ng daliri ni Cassandra!”
“Baliw! Paano ko isusuot ang singsing kung pati daliri ay hindi ko puwedeng hawakan?”
“Ah, basta. Darating ako bukas kaya mag-ready ka na dahil next week ay ikakasal kayo dito sa Europe.”
“Ang lakas ng sapak mo, dude. Eh, kung hayaan mo na lang kaya ang kapatid mo sa akin? Hindi ko siya sasaktan, pangako.”
“F*ck you! Kung hindi kita kababata, baka maniwala pa ako sa iyo! Kahit utot mo ay kilalang-kilala ko kaya tigilan mo ako, Janus.”
“High blood agad? Promise, magbabago ako basta ibigay mo sa akin ang kapatid mo,” hirit pa nito sa kanya.
“No! Hinding-hindi ’yon mangyayari. Ngayon pa lang mamili ka: mawala ang company mo, o pakakasalan mo sa papel ang kapatid ko?”
“Okay! Okay! Awat na. Relax, dude. Basta after ng kasal, my company is going back to normal.”
“May isang salita ako. Ang mahalaga lang sa akin ay ang kapatid ko. Siguraduhin mong hindi makakalapit ang kahit sinumang Montemayor kay Cassandra!”
***
AFTER three days ay nakatanggap ng e-mail si JM. Kailangan daw niyang lumipad patungong Europe or else, habambuhay niyang pagsisihan ang lahat.
Naguguluhan siya kaya tinawagan niya ang kayang pinsan.
“What’s this, cousin?”
“Sundin mo ang sinasabi ko at lahat ng sasabihin ko pa. Ipapadala ko sa e-mail mo ang buong details before that day. But now, may gusto akong malaman. Don’t lie to me.”
“What is that?”
“Paano kung malaman mong ikakasal sa iba si Gianne?”
“H-Ha?”
“Sagutin mo ang tanong ko! Kailangan ko pa bang ulitin?”
“N-No! H-Hindi totoo ’yan!”
“Sagutin mo nga ako, mahal mo pa ba siya? Gusto mo bang bawiin si Gianne at pakasalan muli?”
“I still love her, pero alam mo naman na matagal na kaming hiwalay at wala na kaming chance na magkabalikan pa.”
“Ano’ng silbi ng pagiging Montemayor natin kung uupo na lang tayo at hahayaang tuluyang mawala ang babaeng mahal na mahal natin? Be ready. Lahat ng mababasa mo sa e-mail mo ay kailangang gawin mo nang maayos.”
“O-Okay, cuz.”
***
PRIVATE plane ang sinakyan ni JM from London to Germany. Iyon ang bilin sa kanya sa kung saang lugar siya pupunta. Kailangan makarating siya sa address na binigay sa kanya ng pinsan nang eksakto sa oras.
Pagkatapos ng nakapapagod na biyahe ay lumapag na sila sa Germany. May isang sasakyan na sumundo sa kanya at dinala siya sa isang men’s salon. Kahit ayaw niya ay napilitan siyang sundin ang sinasabi ng kasama. Walang-imik na naging sunod-sunuran siya sa bawat gawin ng mga lalaki sa kanya. Napapaisip siya kung anong party ang kanyang pupuntahan. Bakit kailangang naka-tux siya?
“Good luck, sir.” Malapad ang ngiti ng tatlong lalaki sa kanya nang matapos siyang makapagbihis. Umabot siya nang apat na oras sa loob dahil kung ano-ano ang ginawa sa kanya. Tinalo pa niya ang mga celebrity.
Isang kotse naman ang sumundo sa kanya. Gusto na niyang magtanong kung saan na siya dadalhin ng mga ito.
“Sir, read this before you enter the hall.”
“Okay. Thank you.”
Nagulat na lang siya nang pagpasok niya sa malawak na hall ay puno iyon ng mga bulaklak at may ilang taong nakaupo roon. Sa pinakadulo ay may lalaking nakatayo at nakasuot ng sutana. Nagsimula na siyang makaramdam ng inis.
‘Sir, are you ready?”
“Ano ba’ng ginagawa ko dito?”
Pinipigilan niya ang inis sa mga taong walang ginawa kundi ang hilahin siya at dalhin sa kung saan. Ayon sa e-mail ng kanyang pinsan ay hindi siya dapat magreklamo para daw maging successful ang plano. Alam naman niya na hindi siya ipapahamak ng mga pinsan kaya naging sunod-sunuran na lang siya. Huminto sila sa pinakadulo ng altar at doon na siya kinabahan.
“Boss, it’s time,” wika pa ng katabing lalaki. Nang mapalingon siya sa entrance ay natigagal siya sa nakikita.
‘Takte! Ano ba itong napasukan ko? At sino ang babaeng ito na nakasuot ng wedding gown at naglalakad patungo sa altar? Lintik! Na-setup ako ng mga pinsan ko.’
Nakaramdam siya ng galit. Akmang hahakbang na siya paalis nang hindi sinasadyang mapatingin siya sa mukha ng babae. Para siyang natuka ng ahas. Si Gianne ang nakikita niyang halos nasa harapan na niya.