ARAW-ARAW ay masaya sina JM at Cassandra at lahat ng mga panahong nasayang sa kanila ay binabawi nila. Wala mang maalala si Cassandra ay maligaya naman siya. Sa ngayon ay kuntento na siyang kapiling ang kanyang mag-ama. May mga pagkakataon na may sumasagi sa kanyang isipan—mga bagay na biglang lumilitaw sa kanyang alaala na hindi nagtatagal at biglang nabubura. Minsan masakit din ang kanyang ulo, marahil ay sa sobrang paghahangad na makaalalang muli. Nasanay na rin siya na lumabas mag-isa at magtungo sa supermarket, grocery at mall. Kagaya na lang ngayon, masaya siyang naglalakad habang nagwi-window shopping. Wala naman siyang maisip na bilhin. Magaan na ang pakiramdam niya ’pag nakakakita ng mga bago sa kanyang paningin. “Gianne, is that you?” Lumingon siya nang marinig ang pangalan niy