NAG-AALAB ang galit na nararamdaman ni Harry nang makita ang sitwasyon ng anak. Nakapiring ang mga mata nito at nakatali ang mga kamay. "D-Daddy ko, nariyan ka pa po ba?" "O-Oo, anak, 'wag ka nang umiyak, a-ayos lang si Daddy," sagot ng pekeng Harry. "I will kill you!" galit na sigaw ni Harry sa lalaking kamukha niya. Lalo pa at ito ang tinatawag na ama ng kanyang anak. "Daddy ko!!!" malakas na iyak ni Lotus, at alam ni Harry na bosesan na siya nito. "Anak, huwag kang umiyak, ayos lang ako," malakas din ang sagot ng pekeng Harry. "O-Opo, Daddy." nanginginig ang boses ni Lotus, takot na takot siya sa maaring mangyari sa kanyang ama. Samantala, kapansin-pansin ang palipat-lipat na tingin ni Emarynne; makikita sa mukha nito na naguguluhan kung sino ang tunay na Harry. At sa puntong iyo

