MULING pinakasalan ni Harry, ang kanyang asawa. Lahat ng alam niyang nakakapagpasaya kay Sovella, ibinigay niya. Mahal na mahal niya ang asawa simula pa noon. Kahit nagkaroon nang malaking balakid sa relasyon nila hindi talaga niya ito sinukuan. At ngayon nakamit na nila ang kalayaan at totoong kaligayahan. Kailangan na niyang mag-confess sa asawa. “Bakit nakatayo ka riyan, Harry?” kararating lang ni Sovella, galing sa company at nais niyang makausap ang asawa. Ilang araw na niyang napapansin na parang may problema ito. “Babe, mukhang pagod ka sa opisina halika at hihilutin ko ang ulo mo.” nakangiting pahayag ni Harry, sa kanyang asawa. “Humm… parang may nais kang sabihin sa akin, Mister?” “Y-Yeah, kaya lang baka magalit ka sa akin at iwanan mo ako?” Napa kunot noo si Sovella, seryos

