WALANG-IMIK si Gianne habang nakasakay sa sasakyan ni JM. Deretso lang ang kanyang tingin dahil naghahalo ang emosyon niya sa mga nangyari. Hiya, takot, pangamba at kaba ang kanyang nadarama sa mga oras na iyon. Hindi niya malaman kung paano kakausapin ang dating asawa. Marami siyang gustong itanong o sabihin ngunit tila umurong na ang kanyang dila. Maya’t maya sinusulyapan niya si JM, ngunit ang mga mata nito ay nakatutok lang sa kalsada. Ano kaya ang iniisip nito ngayon na pinagsamantalahan siya ng lalaking yon? Kapag naiisip niya na nasaksihan nito ang nangyari sa loob ng sasakyan ng lalaking sinamahan niya. Nag-iinit ang kaniyang mukha sa sobrang kahihiyan. Hindi niya magawang tumingin sa mukha ng dating asawa. “We’re here. Ayos ka na ba talaga?” Bumalik siya sa realidad ng marinig