SA loob ng kotse ay walang kamalay-malay si Gianne na ginagalugad na ni Janus ang kanyang katawan. Gustong magdiwang ng binata. Sa wakas matitikman na niya ang babaeng ito. Matagal na niyang pinagnanasaan na maangkin ang napakagandang kapatid ng gag* niyang kaibigan. Hindi man natuloy ang tulong na pinangako sa kaniya ni Marcus, babawiin niya ngayon. Pagsasawaan niya ang katawan ng babaeng ito saka niya iiwan. Alam naman niya na hindi talaga kaibigan ang turing sa kaniya ni Marcus Ortega. Ginagamit lang din siya nito kaya naman naggagamitan lang sila. Sa halos araw-araw na binabantayan niya ito ang babaeng ito ay lalong tumitindi ang kanyang pagnanasa. Lalo na at niloko lang siya at pinaniwala na tutupad sa usapan nila si Marcus. Dahil hindi naman daw natuloy ang kanilang kasal ay hindi