Chapter- 20

1706 Words

ONE week na ang nakalipas magmula nang magkita silang mag-aama sa Hacienda Villa Samonte pati na ang hindi inaasahang pagkikita nila ni Gianne sa highway. Hindi maisip ni JM kung dapat ba siyang gumawa ng hakbang. Parang mas lalong humirap ang sitwasyon siguro dahil may iniwan siyang babae sa ibang bansa. Sumasakit na din ang ulo niya sa kaiisip ng kung ano-ano tungkol sa kanyang mag-iina. Kaya mas mabuti na libangin muna niya ang sarili sa ibang bagay. Baka sakaling makakagawa siya ng tamang plano. Sunday kaya naisipan niyang pumunta sa isang mall. Matagal na rin siyang hindi naka pamamasyal doon at may kailangan din siyang bilhin sa men’s shop. Simpleng jeans at T-shirt ang kanyang suot na pinatungan ng hoodie jacket. Pagpasok sa loob ng mall ay isinuot niya sa ulo ang kanyang hoodie

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD