CHAPTER 41 There's always a miracle for those who really believe in it There's always mercy For those who deserve it. -bella "Stoooop!!!" singhal ni Anica kay Isabella nang tila walang katapusan ang pagtulo ng mga luha niya. Nagpupuyos na sobra ang babae at ang rahas ng pag-iling na ginawa pagkatapos siyang sigawan, na halos ikatulig ng tenga niya. Baliw ang babaeng ito. Paano siya napunta sa mga kamay ng babaeng ito? Napakatanga niya. Kaagad siyang tumigil sa pagsigok at ikinalma ang sarili. Nakatali ang dalawang kamay at paa niya. Gustung-gusto niyang lumaban at kaya niyang lumaban pero paano niya gagawin yun kung naiipit siya sa sitwasyon ng pagbubuntis niya. Kung lalaban sya ngayon na ngayon, maaaring ikamatay na nila agad na mag-iina pero kung mananahimik sya baka ma