Chapter 42 “Iho, anak, may bisita ka.” Eon looked at manang Sussana. Hawak niya ang letseng bote ng alak. Tumingin si Susana sa case ng iniinom niya. “Diyos ko, Eon, magkakasakit ka na sa ginagawa mo. Sa siyam na buwan puro alak ang laman ng tyan mo,” nahahabag na sabi nito sa kanya. Umiling siya at tiningnan ito pero ang Daddy niya ang nasa pinto. Umiling iyon at tuluyang pumasok. Tumalikod naman ang mayordoma na nakikisama sa pag-iyak niya madalas dahil hindi man lang daw nito ulit nakita si Bella na inalagaan na rin daw nito simula nang ikulong niya. “What should I say?” tanong ng ama niya sa kanya. Bumaba ito at isinalansan ang mga basyo ng bote. “There’s nothing more to say Dad. Karma is real.” “Mahal na mahal ka ni Bella, yun pa rin ang pinaniniwalaan namin ng mom