Chapter 43 Walang imik si Bella habang nag-aasikaso ng mga gamit ng dalawang bwan na kambal niya. Nakikita niya sa sulok ng mga mata niyang nakatayo si Jesmond sa may pintuan pero hindi niya tinatapunan ng tingin man lang. Ito ang lalaking nakapulot sa kanya matapos syang himatayin sa daan, pitong buwan na ang nakalilipas. He is an OB, kaya lang ay hindi nagagamit ang propesyon dahil busy sa resort na inaasikaso. Tanging ang napapaanak lang nito ay ang mga nakatira sa villa nito. Hindi rin naman ito ang nagpaanak sa kanya. Ayaw niya. Ayaw niya na may ibang lalaki na makakakita ng katawan niya maliban sa asawa niya noon. Di niya alam kung asawa pa ba niya ngayon si Eon. She thought she’d die in that deserted place and road months ago but heaven gave her mercy and let her live. Si Je