Chapter 4

1395 Words
"Miss mag-Paparegister ka ba or hindi?" Mataray na tanong kay martha ng babaeng receptionist ng The V.H.A.R.. Yes! Nandito siya ngayon sa The V.H.A.R upang makita si Calix Cullen! Kailangan na niya itong makausap. Ngunit labis na panghihinayang naman ang kanyang nararamdaman bago mag bayad ng Entrance fee worth 25,000 pesos.. "M..Miss wala na ba kayong discount? Magpapasko naman eh" Pagbabakasakali ni Martha. Nanghihinayang kasi siyang mag bayad ng 25,000 pesos para lang sa emtrance fee! "Miss pang sampung beses mo ng itinanong yan! Wala nga kaming discount!" Padabog na binagsak nito ang kamay sa mesa kaya nagulat siya Aba't attituderang Frog to! "Fine! Wag mo kong sigawan miss nakikipag usap ako ng maayos sayo" Iniabot na niya dito ang kanyang 25,000 pesos cash. Ngunit ng abutin nito ang pera niya parang ayaw bitawan ng kamay niya.. Nag aagawan tuloy sila sa pera "Miss ano ba? Magbabayad ka ba o hindi!" Nagagalit na talaga sakanya yung babaeng receptionist. Nakaka-Agaw atensyon na din sila Huminga muna siya ng malalim bago tuluyan binitawan ang pera niya. Muntik pang matumba yung receptionist sa pag hila ng pera Halatang inis na inis ito sakanya dahil nung tatakan nito ng stamp ang pulsuhan niya nasaktan siya Masakit yun ha! Pero hindi nalang niya pinansin ang kagaspangan ng ugali ng receptionist. Pagpasok niya sa loob ng The V.H.A.R namangha siya.. Para itong isang class na hotel sa manila.. Maganda at mabango sa loob ng the V.H.A.R kahit maingay dahil sa nakakaindak na music. Hinanap ni martha ang kanyang seat number.. Yes may seat number pa.. Unli ChickenWings and Red wine naman ang included sa entrance fee. Muntik na matapilok si Martha ng may taong nakatapak sa Dress niya. Mahaba kasi ang suot niyang dress na kulay itim.. Ito ang sinuot niya dahil ayaw niyang mabastos sa loob ng Bar. Balot na balot ang suot niya. "Oh God akala ko tapos na ang halloween? Bakit may nakacostume pa?" Dinig na dinig ni martha yung babae sa likuran niya na nakatapak sakanya Imbis na mag sorry ito nakuha pa nitong paringan siya Napabungisngis naman ang katabi nito bago siya iniwan nakatayo sa gilid. "Ang papanget niyo" Bulong niya sa kanyang sarili.. Minsan talaga may pagkaisip bata si Martha kahit bente kwatro na siya. Nahanap niya agad ang kanyang seat number kaya umupo muna siya habang inaabangan makita si Calix Cullen. Habang naghihintay siya kumain muna siya ng Chicken wings na nasa table niya. Susulitin niya talaga ang Chicken wings na to! Dahil napakamahal sa Bar na to. Uminom din siya ng uminom ng Red wine. Maya maya pa. Napansin niyang may pinagkakaguluhan yung mga babae.. Napatayo siya ng makilala kung sino ang taong pinagkakaguluhan ng mga babae. Walang iba kundi si Calix Cullen!!! Muli nanaman siya napatitig sa mukha nito, Nakangiti ito sa mga babaeng humaharang dito, Kahit madilim sa loob ng bar kapansin pansin padin ang kagwapuhan nito. Ang mga babae sa paligid nito halatang nilalandi ito. "Martha! Wake up hindi ka pwedeng magmukhang tanga nanaman sa harap ng taong yan baka masayang pa yung pinunta mo dito sa cebu!" Pagalit ni martha sa kanyang sarili dahil napansin niyang nanginginig ang kanyang tuhod sa paglapit dito. Para kasing natutunaw nanaman ang brain cells niya sa bawat ngiti nito Lumapit siya dito at nilakasan ang Loob. Nakipagsiksikan siya sa mga babaeng lumalapit dito "H..Hoy!" She grab his polo shirt harshly Kaya napatingin ito sakanya "Cleavage girl?" Ngisi nito ng makilala siya. Humarap ito sakanya. Pinigilan niyang matulala nanaman sa kagwapuhan nito. Hinila ko yung necktie niya.. Naka business suit pa din kasi siya. kaya hinila ko yung necktie niya para maging kasing height ko lang siya. "H..Hoy Impakto Halimaw na ipinaglihi sa kamanyakan! panagutan mo yung bestfriend kooo! kung hindi kukulamin kita!" seryosong banta ko sakanya. Unti unti naman nawala yung ngiti niya ng marinig niya yung sinabi ko "What?" Kunot nuong tanong nito sakanya "Anong what what ka jan.! Panagutan mo yung bestfriend ko! Nabuntis mo siya!" Nanlaki naman yung mata nito "What the hell?" Tanong uli nito pero this time hinawakan na nito ang kamay niya at inilayo siya sa madaming tao. Dinala siya nito sa isang VIP room sa loob ng The V.H.A.R "Sinong nabuntis ko?" Tanong nito ng makapasok sila sa loob ng The V.H.A.R "Si Gina Malone!" Hindi makatingin si martha sa lalaking kaharap dahil mas naging gwapo ito ngayon dahil sa liwanag ng Vip Room "At sino naman yun?" "Best friend ko yun! Panagutan mo siya! Ngayon nakatulala na lang siya. Buntis siya at maselan ang pagbubuntis niya dahil sayo impakto ka!" Pinatatag ni martha ang kanyang boses para matakot ito sakanya "Look, I don't even know your bestfriend.. If this is just your trick to get closer to me, Well you don't have to do this, pwede naman kitang pansinin kahit wag mo ng gawin to" Lumapit ito kay Martha habang Nakangisi.. Palapit ito ng palapit kay marta palakas naman ng palakas ang t***k ng puso niya. Shit napakagwapo talaga ng hudyo! "Hep hep!! Ang kapal mo! Hindi kita T..Type no! Tska totoo yung sinasabi ko sayo. Daddy ka na! Kaya panagutan mo siya!" "Are you serious?" Napapangiti ito habang titig na titig sa mukha ng dalaga "Yes! Pupunta ba naman ako dito sa Cebu kung hindi ako sigurado?" Hindi padin nawawala yung mabilis na t***k ng puso ni martha. "Taga saan ka ba?" "Taga Manila" Napangiti si martha dahil naalala niya yung sinasayaw nila Vice ganda sa showtime "Why are you smiling?" Nakakunot nuong tanong nito pero titig na titig sa pag ngiti niya "Wala nakakatawa kasi yung tanong mo. Naalala ko yung sa Tv show." "Ah.." Natawa din ito "Ako naman taga Cebu" Nagbiro itong sumayaw ng konti Natawa si Martha sa pagkakabiro ni Calix. Muntik na niya makalimutan ang tunay na pakay "H..Hoy teka hindi ako nakikipag biruan! Nakabuntis ka talaga!" Napatigil naman ito sa pag ngiti "Fine.. Sasama ako sayo sa Manila" "Agad agad?" Parang tangang tanong ni Martha "Yeah" Sagot nito "Yes! Thank you madali ka pala kausap eh! Matutuwa si Gina" "But in one condition" Sabi nito kaya napatigil sa kasayahan si Martha "Ano?" "Kapag hindi ako ang taong nakabuntis sa best friend mo.. Ikaw ang bubuntisin ko" "ANO?!" "Take it or leave it" Nakangisi nitong sabi Namula buong katawan ni Martha! "B..Bastos ka!" "Why? Anong bastos dun? Maiistorbo mo ako sa pananahimik ko dito sa Cebu dadalhin mo ako sa bestfriend mo, Syempre wala ng libre ngayon" Napatingin ito sa dibdib niya kahit balot na balot ng damit umbok na umbok padin ang mayayaman niyang dibdib "V..Virgin pa ako! Hindi pwede!" Tinakpan ni Martha ang kanyang dibdib Napayuko siya sa sobrang hiya "Then i like it better.." Todo ngiting sabi nito "Pervert!" Tumalikod si martha sa sobrang inis "Akala ko ba kailangan ako ng kaibigan mo?" Napatigil sa pag lakad si martha. Oo nga pala kailangan siya ni Gina. Bakit naman ako matatakot isuko ang Virginity ko kung alam kong siya naman talaga ang tatay ng pinagbubuntis ni Gina? Dahil sakanyang naisip lumingon siya muli kay Calix Cullen "Okay Deal! Pero wag mo akong bubuntisin! Only my Virginity! Pero pag ikaw ang tatay ng baby ni Gina kailangan mo siyang pakasalan agad! Maliwanag?" "Shoot! Deal.." Nasa ngiti nito ang tagumpay. Nilahad nito sakanya ang kamay upang makipag kamay pero hindi niya yun pinansin "Deal na nga diba? Wag na handshake!" "Fine.. Pero sa friday pa tayo pwedeng umuwi sa manila dahil madami pa akong aasikasuhin" "Friday?! 2day from now? Hindi pwede ang mahal mahal ng hotel dito sa Cebu eh. Bukas nalang tayo pumunta ng manila" "I can give you free accomudation for 2 nights" "Free? Walang kapalit ha?" Paninigurado niya.. Di padin makatingin si Martha ng deretso sa mata ni Calix dahil baka mahipnotismo nanaman siya nito "Yes for free.." "Okay sige! Anong Cellphone number mo?" Inilabas ni Martha ang kanyang cellphone mula sa kanyang bag Inagawa naman ni Calix ang cellphone niya at ito na mismo ang naglagay ng number nito Ibinalik ni Calix kay Martha ang kanyang cellphone at ngumiti "Wag mong babaguhin yung screen name ko diyan" Nakangiti ito ng nakakaloko bago ito lumabas ng VIP Room Tinignan naman ni Martha ang cellphone niya. Halos mapamura naman siya sa kanyang nabasang screen name nito! Devirginizer 09165374979 May pag puso pa itong nalalaman! Bastos!!! MINADALI NIYANG PINALITAN ANG NAME NITO! Bastos talagang lalaki to!!!! Pervert 09165374979
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD