Chapter 5

1845 Words
Pagkalabas ni Calix Cullen sa VIP Room lumabas na din si Martha upang bumalik sa kanyang upuan. Ngunit may lumapit sakanyang waiter ng The V.H.A.R "Excuse me Ma'am, You can now start to eat" At itinuro nito ang buffet table sa di kalayuan. "Ako? No hindi ako nagbayad for the buffet" Umiling iling si Martha sa waiter baka napagkamalan lang siya nitong nagbayad ng buffet. Tumataginting na 10,000 pesos lang naman per person ang bayad sa buffet! Hello! "Pinapasabi po ni Boss.Calix enjoy your meal for free" ngumiti yung waiter at umalis na Napanganga lang si martha sa sinabi ng waiter.. Di nga For free talaga?! Unti unting napangiti si Martha at parang kumulo ang tiyan niya kahit kakakain niya palang ng chicken wings. Napatingin siya sa di kalayuan. Nakatayo si Calix Cullen sa isang mini bar habang nakangiting nakatitig sakanya.. Di niya maintindihan ang sarili dahil sumikdo ang puso niya ng mahuli niya itong nakatingin sakanya. Sinimangutan niya nalang ito ng maalala ang nilagyay nitong pangalan sa cellphone niya. Tumayo na siya upang lumapit sa buffet. Susulitin niya talaga to! Grabe tong The Vhar ha? May buffet pa sa loob.. Nakakagutom! Madaming kinuhang pag kain si Martha , Steaks, Pasta, Cakes, Soup, Shrimp, at bumalik na siya saknyang upuan. Habang kumakain siya di niya mapigilan mapangiti sa sobrang sarap ng pag kain dito. Worth it pala ang sampung libo.. "Enjoying yourself?" Napalingon si Martha ng tabihan siya ni Calix Cullen. Eto nanaman ang puso niya di nanaman malaman anong gagawin, Kung titibok ba o tatakbo sa sobrang bilis ng pagtibok nito "Oo.. S..salamat dito" Nailang si marta ipag patuloy ang kanyang kinakain dahil nakatingin ito sakanya "Utang yan" Ngumiti ito sakanya na parang inaasar siya "U..utang? H..Hoy teka sabi ng waiter mo for free daw ito ha!" Kahit ayaw niya itong tignan napilitan siyang tignan ang gwapong mukha nito. "Kidding.. For free talaga yan para sayo" Nakangiti padin ito habang nakatitig sakanya "W..Walang bawian ha!" Nagpangap nalang si martha na balewala sakanya ang magandang ngiti nito Grabehan na to. Pati ngipin niya perfect na din? Wala bang kapintasan ang lalaking to?! Nakaka-kaba tuloy! uminom nalang si Martha ng Strawberry juice. "Whats your name?" tanong nito saknya. May hawak itong champagne Napansin niya din yung ibang mga babae masama yung tingin sakanya dahil kinakausap siya ni Calix. Madaming nakataas ang kilay sa kanya ngunit hindi naman sila nilalapitan. "M..Martha Salen" Uminom uli si Martha ng strawberry juice "Martha.." Ulit nito sa pangalan niya at para bang kinakabisa nito ang pangalan niya. May munting ngiti sa labi ito ng marinig ang pangalan niya Bakit pangiti ngiti ka pa! Playboy ka talaga. Pati ako'y bibiktimahin mo pa.. Grrrrr bulong ni martha sa kanyang sarili. Aaminin niyang malakas talaga ang dating nito. His scent is heavenly scent that travel down to her spine. "How old are you?" "I..Interview ba to? Bakit ang dami mong tanong?" Dinaan nalang ni martha sa pagtataray ang kanyang hindi maunawaan na nararamdaman Muli itong napangiti sa sinabi niya "You know what? You are different.." Nakatitig ito sa mukha niya. Lalo siyang na-ilang sa paraan ng pagtitig nito "E..Eh kasi ang dami mong tanong.. Wala ka bang ibang gagawin?" "Madami.. Pero gusto pa kitang kausapin" He replied Parang tinambol naman ang puso ni martha sa sinabi nito.. Shit! Hindi ako dapat nakakaramdam ng kilig sa lalaking to! "W..Wag ako" Inirapan niya ito at nagkunwaring busy sa pag kain ng cake. Kahit parang nanginginig ang kamay niya sa kaba "Huh?" "S..sabi ko wag ako. Wag mo ako isali sa mga babaeng pina-iikot mo" Seryosong sagot ni martha. Sinulyapan niya si Calix nakatitig pa din ito sakanya "Sinabi ko bang isasali kita sakanila?" Kung makatingin ito para itong nanglalandi grrrrr wag mo nga ako tignan ng ganyan! Marupok ako baka bumigay agad ako! Dinedma na lang ni martha ang kilig na naramdaman Hangang kelan ba siya nito papakiligin? "Ilang taon ka na nga? Parang ang seryoso mo kasi sa buhay. I saw you earlier sa Bank kung saan nakikipag away ka sa teller.. Tapos nung tanghali nakita nanaman kita nagagalit ka dun sa mag lalaking may kasamang buntis" Mahina itong natawa "Sinusundan mo ba ako?" Nakasimangot na tanong ni martha kay Calix Tuluyan na itong natawa sa sinabi niya.. Natulala nanaman si martha habang nakatingin siya Kay Calix. The way he laugh makes her heart warm.. Parang ang sarap sarap pakingan ng tawa nito. Lalo itong gumwapo sa paningin niya.. Pakiramdam niya ang init init ng pisngi niya b..bakit siya tumatawa.. Sumasakit lalo ang puso ko.. "Hindi kita sinusundan.. Siguro destiny lang" Sabay kindat nito sakanya. Gustong sabunutan ni Martha ang kanyang sarili dahil napangiti siya sa hirit nito! Pinigilan nalang ni martha ang mapangiti ng husto. "Fine! 24 years old palang ako.. Ikaw ba?" Balik tanong ni martha dito "I'm twenty seven" Nakatitig lang to sakanya. "W..wala ka bang ibang gagawin?" "Pinapa-alis mo na ba ako?" sumandal pa ito sa sofa kung saan siya nakaupo Wow balak niya pa bang tumambay dito? "H..Hindi naman." Napainom ulit si Martha ng strawberry juice "Good. Dito muna ako, napapagod na kasi akong makipag-usap sa mga babae dun" tumingin ito sa mga babaeng kanina pa nakatingin sakanila "Hindi ka na dapat nakikipag usap sa ibang babae lalo na may anak ka na" Medyo napangiti ito "Magkaka-anak palang" Kagat labi itong tumingin sakanya. Parang may kumurot naman sa pwet ni martha habang nakakagat labi ito. Parang gusto niya ding mapakagat labi! wag mong kagatin yaaaan. Juskooooo! Torture ito! "P..Panay ka biro. Nasisiguro ko sayong anak mo yung pinagbubuntis ng kaibigan ko. Wala siyang ibang bukang bibig kundi ang pangalan mo" Tumango tango nalang ito at uminom ng champagne "Kailan ang check out mo sa hotel?" Maya maya pa tanong ni Calix kay martha "Bukas ng alas dose ng tanghali" Pinapakalma padin ni martha ang kanyang sarili. Hindi kasi siya makaget over sa pag kagat ng labi nito. "Tell me where it is and i'll fetch you" "Ha?" "Susunduin kita bukas sa hotel mo" Dinampot nito ang cellphone niya na nakapatong lang sa table niya Hindi na ni martha napigilan ito sa pagkuha ng cellphone niya. "Bakit pinalitan mo yung name ko dito?" Napapangiti ito habang nakatingin sa screen ng cellphon niya Nag init naman yung pisngi ni martha ng maalala nanaman niya yung Screen name na nilagay nito kanina "B..Baliw ka kasi kung ano ano nilalagay mo" Hindi padin siya makatingin ng maayos dito Kailan ba ako masasanay sa kapogian moooo!!! Sigaw ng utak niya "Why?" Natatawa ito habang may ginagawa sa cellphone niya. Nagtaka si martha kung bakit ito natatawa kaya sinilip niya kung anong ginagawa nito sa cellphone niya "H..Hoy impakto ka wag mo nga tignan yan!" Pilit inaagaw ni martha kay Calix yung cellphone niya. Dahil pinakiki-Alaman nito ang Galery ng pictures niya Grrr panay selfie ko pa naman yun!!! Meron pa akong selfie sa Banyo after kong maligo.. Meron selfie sa harap ng salamin naka OOTD ako nun sa Baguio. May selfie din ako na wacky sa room ko kahit ako lang mag isa mahilig akong magselfie pero hindi ko yun inuupload sa f*******:. "Selfie Queen ka pala" Natatawa ito habang pinagmamasdan lahat ng pictures niya "Grrr ibalik mo na nga sakin yan!" "Wait" Itinaas nito ang cellphone niya kaya muntik na siya masubsob sa dibdib nito mabuti nalang napigilan niya "Wait lang kasi may itetext lang ako" Aba nakitext pa?! Nakakahiya ang panget ko sa mga selfies koooo! Wala ng nagawa si martha kundi hayaan ito sa kanyang cellphone Maya maya pa binalik na din nito sakanya ang kanyang cellphone. "Tinext ko yung number ko para malaman ko kung ano yung number mo.. Inadd na din kita sa f*******:" Nakangiti nitong ibinalik sakanya ang cellphone niya "Wala ka namang f*******: ha?" "Stalker talaga kita ah?" Pang aasar nito sakanya "H..Hindi no! Hinahanap ko siyempre yung f*******: mo! Para ma..madali kita maiuwi kay Gina!" Nagkakanda Utal utal na sagot ni Martha kay Calix "Defensive" Di padin nawawala yung ngiti nito "Hindi ah!" "Ibang name gamit ko sa f*******:. Pang family and close friends ko lang kasi ginagamit yun" Tumayo na ito at parang aalis na "S..saan ka pupunta?" "Aalis na.. See you tomorrow" Kinurot nito yung pisngi niya kaya hindi agad siya nakareact sa sinabi at ginawa nito.. Hinatid nalang niya ito ng tingin. Nilapitan agad ito ng ibat ibang babae ngunit derederetso lang itong lumakad. Muntik na maibuga ni Martha yung juice na iniinom niya dahil bigla itong lumingon sa pwesto niya, Nahuli siya nitong tinitignan ito! Napangiti ito sakanya bago tuluyan pumasok sa isang VIP room ng The Vhar. Grrrr hindi pwede to! Bakit ako nakakaramdam ng ganito sakanya?! bakit parang namiss ko agad siya?! Bakit ba ang gwapo gwapo niya? Hindi ako dapat nagpapa-Apekto sa lalaking yun.. Magaling talaga yun magpaikot ng mga babae! CALIX CULLEN POV "Who's that chic?" Tanong ni Milward ng pumasok ako sa VIP room. Muntik ko na makalimutan na nandito nga pala yung mga kaibigan ko. Nalibang kasi akong makipag usap kay martha. "She's Martha" Nakangiti kong sagot kay milward.. Lima silang nag aantay sakin. Mga college friend ko Si milward , Rence, Zander, Rupert at Ken Lahat sila nag react sa sagot ko. Paano nakangiti kasi ako.. "Oh ohhh Pare iba na yan. Bakit nakangiti ka?" sabi ni Rupert "For the first time may natandaan ka ding pangalan sa mga babae mo pare!" "Hindi ko siya babae.." Sagot ko sa sinabi ni Milward Nagtawanan sila sa sinabi ko "Pare tinamaan ka na ata ha? Ang bilis naman?" Pang aasar ni Zander sakin "Nope.. I don't like her.. Natutuwa lang ako sakanya" Depensa ko. Oo natutuwa lang ako sakanya dahil kung ano ano binibintang niya sakin.. Inanakan ko daw bestfriend niya.. "So Can i court her? Maganda siya eh kaso mukhang weird manamit pero pare ang sexy eh" Sabi naman ni Ken kaya napakunot bigla yung nuo ko. Ewan ko pero parang nainis ako kay ken "She's off limits" Uminom ako ng Vodka.. May mga babae kasi akong pinapasa sakanila pag magaling sa kama.. But martha? No way. Hindi nila ito pwedeng hawakan. Nagtawanan naman sila sa sinabi ko, Tinapik tapik pa ni Ken yung balikat ko "Pare iba na yan.. Ingat ka baka mainlove ka" "I don't think so." Dahil hindi pa ako naiinlove.. Ang alam ko lang s*x s*x s*x pag tungkol sa mga babae. Madami nakong nakadate mas maganda pa kay martha kaya impossible akong mainlove sakanya. "Basta ingat ka nga mahirap mainlove pare.. Ganyang ganyan si Zander nung mainlove" "Fine..Basta walang pwedeng lumapit sakanya.." Seryoso kong banta sa limang to.. Napapaisip ako kung bakit ko pinag aaksayahan ng oras si Martha. Kung bakit ko siya gustong samahan sa manila. Kung bakit parang gusto ko siyang makasama ng matagal.. Hell yeah im enjoying her company and i hate it parang wala akong control sa mga ginagawa ko.. Damn it.. Alam ko namang hindi ako ang Tatay ng pinagbubuntis ng kaibigan nito pero parang gusto kong matikman yung labi ni martha.. At buong katawan niya.. Yeah maybe im just In Lust with her.. Damn her cleavage!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD