Nagtaka si Nica kung sino ang mga kausap ni Landa habang nag-aantay sa kanya sa labas ng mall. Uwian na ulit at malungkot ang kanyang mukha palapit sa pinsan sapagkat katatanggap lang niya ng tawag mula sa Mama niya at pinapauwi na raw siya sa probinsya ng Papa niya. Bigla-bigla ay ayaw na raw ni Papa niya na magtrabaho siya rito sa mall na ito. At kung ano ang dahilan? Hindi niya alam at himdi niya maintindihan dahil kahit anong tanong niya kanina ay ayaw siyang sagutin ng Mama niya. Basta umuwi na lang daw siya. Maayos naman siyang nagpaalam, kaya naguguluhan talaga siya sa kanyang mga magulang. Sabi pa ni Mama niya ay parang takot na takot daw si Papa niya nang malamang dito siya nagtratrabaho sa mall na ito. May mali ba sa mall na ito? Napapabuntong-hininga na lang siya nang malapit