"Nica?" Lumingon siya sa narinig niyang tao na nagsalita "Mark.." "Kung gusto mo pumasok, pwede ko kausapin yung guard para papasukin ka" Nasa labas pa kasi siya ng mall. Actually, sinadya niya muna magtambay kasi pinag-iisipan niya kung papasok pa siya sa trabaho o hindi na. Si papa niya kasi disidido na ata talagang pauwiin siya. Galit na kaninang tumawag ulit sa kanya. Bakit hindi pa daw siya umuuwi? "Okay lang, dito muna ako, may iniisip pa kasi ako" sabi niya na ngumiti sa binata. Nangunot ang noo ni Mark "May problema ba?" "Pinapauwi na ako ni papa" "Kakaumpisa mo palang sa trabahao mo ah" Napakibit-balikat siya "Oo nga eh" anya na malungkot sabay buntong-hininga "Pero ewan ko ba hindi ako mapakali. Parang may pumipigil sa 'kin na huwag umalis" "Siguro ay dahil may misyon ka