Napatayo ng straight sina Nica at Landa nang biglang may humawak sa mga braso nila. Akala ni Nica ay siya lang ang nakaramdam ng kamay na 'yon pero sa hitsura ng kanyang pinsan na halos magkulay sukang puti ang mukha ay siguradong may naramdaman din itong kakaiba. Andito kasi sila ngayon sa mall, sumasalisi sa mga nakabantay na guard, nagbabasakaling makapasok sa mall kahit lampas alas dose na hating gabi. Ang dami niyang pakiusap kay Landa bago ito pumayag na samahan siya dito, dahil ayaw niyang umuwi ng probinsya na hindi nareresolba ang kababalaghang ito ng bata. Isa pa simula nakitaan niya ng pangitain ang kanyang papa tungkol sa bata ay nababagabag na siya. Ayaw man niyang isipin na kasama ang papa niya sa pagkidnap sa bata at pagpatay ay pilit pa ring pumapasok sa isip niya na posi