"What's happening here?!" bulyaw ng inhenyerong si Marco Biong nang mapagbuksan ang pintong tinuro sa kanya na kinaroroonan ng anak. Sa loob ng pitong taon, ngayon lang ulit ito napapad sa mall na siyang may gawa. Kung hindi pa ito tinagawan ni Mark na kunwari humihingi ng tulong ay hindi nito nanaising tumuntong pa sa lugar na iyon. Malalaki ang mga hakbang nito na nilapitan ang anak na sinasakal ng isang bata. Walang anumang malakas nitong tinabig ang hindi pa nakikilalang si Kim. Tumilapon ang bata malapit sa inang walang malay. Umuubo sina Mark at Nica nang mawala ang sumasakal sa kanila. Agad sinaklolohan ni Marco Biong ang anak na hawak ang leeg. Nagulat si Mark nang makilala ang umaalalay sa kanya. At agad nagdilim ang paningin niya. Pati si Nica ay namilog ang mga mata nang m