Pinilit ni Nica na kalabanin ang takot niya, kaya nagawa niyang lumapit kay Mark na sinasakal ni kim. "Kim tama na!" awat niya sa batang multo. Pilit niyang tinanggal ang maliit nitong kamay sa leeg ni Mark. Subalit napakalakas ni Kim. Halos lumawit na ang dila ni Mark at pulang-pula na ang mukha nito. Napaiyak na si Nica, hindi niya talaga kasi maalis ang kamay ni Kim at natatakot na siya sa pwedeng mangyari sa binata. Ang masaklap, nagawa ding isakal sa kanya ni Kim ang isa pa nitong kamay. Napangiwi si Nica at napapikit ng mariin sa matinding sakit na kanyang nadama. Ang maliliit pero matutulis na kuko ni Kim ay bumabaon sa balat ng kanyang leeg. Parehas na sila ni Mark na nakaluhod na sinasakal ng batang naghihiganti. Hindi nila alam kung anong gagawin. "Mommmmy!!" pero bigla ay