"Dito ka lang muna sa labas kasi hindi pa bukas ang mall. Balikan kita rito mamaya, Insan. Mag-in muna ako sa loob," bilin ni Landa sa kanya.
Tumango lang siya. First day niya na sa magiging work niya. At excited siya na kinakabahan. Sunod tingin siya sa kanyang pinsan na papalayo. Palibhasa may natapos si Landa kaya maganda ang trabaho nito ngayon. Samantalang siya ay under graduate ng high school lamang. Sa hirap ng buhay ay hindi siya nakatapos. Nagkaroon kasi ng malaking problema ang Papa niya noon na hanggang ay hindi niya alam kung ano. Bigla na lang ay naghirap sila ng husto kasi nawalan ng trabaho ang Papa niya.
Alam na rin niya kung anong magiging trabaho niya. Saleslady raw ng mga cellphone. At astig 'yon para sa kanya kasi unang trabaho niya, eh. Chinese raw ang magiging amo niya. Buti na lang may kakilala ang pinsan niya, kahit paano magkakaroon na rin siya ng maganda-gandang trabaho.
Maganda, kasi dito siya sa mall magtratrabaho. Maganda na para sa kanya keysa roon siya sa bukid sa probinsya at magtanim ng palay.
Kaya pinapangako niya, pagbubutihin niya ang kanyang trabaho. Ayaw naman niyang mapahiya si Landa. Saka para kina Mama at Papa niya.
Balak niya kasi na kapag magsasahod siya ay magpapadala siya sa Mama at Papa niya. Ngayon pa lang ay ang dami na niyang pangarap. Sana magtagal siya sa trabahong ito.
Bago pumasok, nilingon pa ulit siya ni Landa. Sinenyasan siya. Tinuro nito ang noo niya. Alam agad niya kung ano'ng ibig sabihin ng pinsan. Parang si Papa lang niya na binabalaan siya about sa third eye niya minu-minuto, oras-oras.
Ano naman ang magagawa niya kung bigla na lang gumagana ang 3rd eye niya? 'Di naman niya alam kuntrolin 'yon, eh. Basta bigla-bigla na lang siya nakakakita ng multo. Tulad sa terminal ng bus kahapon.
Sabagay, minsan nakakatulong naman ang kanyang kakayahan dahil nahuli ang totooong killer ng konduktor. Nga lang kasi nakakatakot talaga. Hindi pa rin siya sanay.
Wala na si Landa. Pinapasok na ng guwardya. Napakibit-balikat siya. Sinipat niya kung ano'ng oras na sa kanyang wristwatch. Masyadong maaga pa. Thirty minutes pa bago magbukas ang mall.
Iniikot niya ang kanyang paningin sa paligid. May mga iilan na ring tao na nag-aantay sa pagbukas ng mall.
Tinungo niya ang mahabang semento na kinauupuan ng mga tao na nag-aantay. Nakiupo rin siya. Hindi mainit kasi may malalaking puno ng mangga.
Dito siya dinala ni Landa sa entrance ng mga emplyado hindi sa main entrance ng mall. Mas konti raw kasi ang tao rito. Agad daw siyang makakapasok oras na magbukas na ang mall hindi tulad sa main entrance na mahaba ang pila ng mga tao.
Yakap niya ang kanyang sling bag na nakiupo. Nakatingin lang siya sa papasok at palabas na mga emplyado. Nakakatuwa kasi silang panoorin, lahat nagmamadali. May tumatakbo na nagme-make-up at kung anu-ano pa.
Nang may umagaw sa kanyang pansin. Nakatabi ito sa guard na nagche-check ng mga bag ng mga pumapasok.
At isa 'yong bata. Batang babae.
Kumunot ang noo niya. Ano'ng ginagawa ng isang bata roon? Pinapasok na ang bata?
Pero ang cute niyang bata, hah. Parang anak ng intsik. Maputi kasi ang bata at tuwid na tuwid ang mahaba nitong buhok na may bangs. Nakabestida rin ito.
Nawili siya sa pagtingin sa bata.
Nang bigla na lang ito napatingin din sa kanya. Nginitian niya ito. Pero kakatwang sinimangutan siya ng bata.
Tapos ay bigla na lang itong umalis.
Kibit-balikat na lang siya na napapangiti. Naisip na niya, siguro anak ng isang emplyado ang batang 'yon dito sa mall at tinawag na ito.
Mayamaya pa'y isang grupo ng mga lalaki ang nalingunan niya sa ibang banda. May tatak ang t-shirt nilang kulay asul. ENGINEERING ang nabasa niya. Mga emplyado rin ng mall. Pero napakunot-noo ulit siya nang may makita siya sa likod ng mga lalaki.
'Yong bata!
Na naman!
Takang-taka siya. Ang bilis naman nito lumabas? Pero naisip niya ulit, madami naman kasing labasan ang mall.
Sunod tingin ulit siya sa cute na bata. Napapa-smile siya kasi para ring matanda ang bata kung umasta na sumusunod sa mga lalaki. Magkahawak ang mga kamay nito sa likod nito at ang liksi nitong maglakad.
Pumasok ang mga lalaki sa pintong pinasukan din kanina ni Landa.
Napalingon ulit sa kanya ang bata. Ngumiti ulit siya rito. Sa pagkakataong iyon ay nagba-bye ang bata sa kanya. Kinawayan siya nito kaya kinawayan niya rin ito. Ang cute talaga na bata. Nakakagigil. Mukhang bibo........