Natapos ang unang araw ni Nica sa kanyang trabaho. At masasabi niyang magaan naman. Nakaupo lang kasi siya. Mag-a-assist lang siya ng customer 'pag may lalapit. At minsan tatawag-tawag din ng customer para makabenta.
Nahirapan lang siya sa mga presyo pero sure naman niyang makakabisado rin niya lahat 'pag nagtagal. Syempre first day palang naman. Saka todo suporta naman sa kanya ang amo niyang mabait naman.
Humanga nga sa kanya ang kanyang amo kasi nakalimang cell phone agad siya na nabenta. Which is hindi raw inasahan ng kanyang amo.
Magaling siya, eh. Dinaan niya lang sa salestalk at pagpapa-cute at bait-baitan para bumili ang customer.
At dahil uwian na, heto siya sa may railings at ka-text niya ang Mama niya. Binabalitaan niya ang mga nangyari sa unang araw niya sa trabaho sa ina at pati na rin si Landa tine-text niya rin. Tinext niya itong aantayin na lang niya ito sa baba.
Habang nag-aantay ng mga reply nila. Umikot ang paningin niya sa kabuoan ng loob ng mall. Konti na lang ang mga tao kasi sarado na ang mall. Mga kapwa niya mga saleslady na lang ang mga nakikita niya na abala sa pagsasarado. Kakalungkot lang dahil wala pa siya kilala sa mga ito. Ilang pa silang lahat sa kanya, pero bukas for sure may magiging friends naman na siya siguro. Naisip niyang siya ang lalapit at makikipag-kaibigan tutal siya naman ang baguhan.
Inikot pa niya ang paningin niya. At napakamot-ulo siya nang may mahagip ang mga mata niya sa isang dulo.
'Yong bata na naman!
Andito pa rin siya!
Sa kabila ng pagtataka ay nginitian niya ito. Pero laking gulat niya nang bigla na lang lumitaw sa harapan niya ang bata. Muntik niyang maitilapon ang cell phone niyang hawak! Yay!
Napakapit siya sa railings habang nakatitig sa mukha ng bata. Sabi na nga ba niya at may kakaiba sa batang 'to!
Tiningnan niya ang banda kung sa'n unang nakita niya ang bata. Wala nga ito roon! Ito nga ang nasa harapan niya ngayon!
Nagtitigan sila ng bata, parang may gusto itong sabihin sa kanya.
Nahintakutan pa lalo siya nang bigla na lang may umagos na dugo mula sa leeg ng bata. Sariwang dugo! Ahahay!
"Nica, tara na?" bigla ay boses ni Landa na nagpakawala sa kanyang pagkatulala sa bata.
"May problema ba?" tanong ulit ni Landa nang 'di pa siya kumilos.
Hindi kasi niya ito pinapansin dahil titig na titig pa rin siya sa bata.
"Nica, alam ko na naman 'yan! May multo ka na naman bang nakikita?!" Nayakap ni Landa ang sarili. Kabisado na siya ng pinsan.
Hindi niya pinansin ito. Naniningkit ang mga mata niya at kukunot-kunot ang noo niya. Nagsasalita kasi ang bata! Bumubuka ang bibig nito. Subalit hindi niya ito maintindihan. Sinusubukan niyang binabasa ang buka ng bibig ng bata pero hindi niya talaga makuha. Gusto na niya itong tanungin pero hindi niya magawa dahil madaming tao.
"Hoy Nica!" tawag ulit ni Landa sa kanyang pangalan kasabay ng pagyugyog nito sa kanyang balikat.
Sa pagkakataong iyon, napatingin na siya sa kanyang pinsan at tila natauhan. "B-bakit?" mahinang naitanong niya kay Landa.
Pero sa gilid ng mga mata niya ay kita pa rin niya ang batang unti-unti nang naglalaho.
"Umuwi na tayo! Tama na 'yan! Huwag mo na lang pansinin kung ano man 'yang nakikita mo! Jusko!" sabi sa kanya ni Landa. "Halika na!"
Marahan siyang tumango. Pero muli siyang natigilan nang mapansin niya ang kanyang mga kamay. May dugo!An'daming dugo! Ghad!........