NAGMADALI akong ibaba ang bayong sa malapad na batong kaharap ay sapa. Ito ang maliit na ilog na di kalayuan sa aming tahanan. Kumbaga nasa mataas na parte ng kapatagan ang aming lugar at yung sapa naman ay nasa ibaba naman nito. Simula nang ipinanganak ako ay nandito na ito. Ang kwento ng matatanda sa amin ay napakalawak daw nito dati, sagana sa isda, talangka at s**o. At malalaking bato na mas malaki pa sa tao ang nakapalibot noon dito. Pero dahil sa panay ang ulan at panay din ang mga bagyo ay unti unting nag-iba ang itsura nitong sapa. Ganunpaman nanatili pa rin itong malinis at maganda. Kaya hindi nakakapagtakang marami pa rin ang naliligo sa lugar na ito. "Tisay!" Sigaw ng aking pinsan na si Nonoy. Kilalang kilala ko ang boses niya na parang bruskong paos. Natigil ako sa pag aayos