ABALA kami ni bunso sa pagdidilig ng mga tanim na gulay dito sa likod ng aming bahay. Bitbit ko ang isang batyang may lamang tubig na ipapandilig sa mga gulay na nasa aking harapan. Mula sa aking kinatatayuan ay mga sampung hakbang naman ang lalakarin para makarating doon sa balon. Dito kami kumukuha ng tubig pandilig. Ayaw kasi ni Nanay na sa gripo kami kumuha dahil tataas daw ang bayarin sa tubig. Kung tutuusin ay kaya naman nilang magbayad sadyang napaka tipid lang talaga nila Nakadalawang balik na ako sa pag-iigib kaya naman tagaktak na ang pawis sa noo at leeg ko. Wala akong dalang bimpo kaya pinunas ko na lang ang parteng kwelyo ng aking tshirt. "Bunso ikaw na magdilig doon sa mga kamatis. Napapagod na kasi ako" utos ko sa aking kapatid. Sumalok naman agad ito ng tubig gamit ang t