Lakas loob kong tinignan si Master at pagkatapos ay huminga akong malalim upang kahit papaano ay makapag isip ng aking isasagot sa kanya. Alam kong darating ang araw na magkakagusto ako sa isang lalake kaya dapat ihanda ko na ang sarili ko sa ganitong sagot. "Master salamat po sa compliments." Ngumiti siya at nagsailta. "It's true your so nice Jane" "At tungkol naman po sa tanong mo na kung may lalake mang mag ka interes sa akin ay siguro po sasagutin ko siya" Napatitig lalo ang aking amo sa akin. Hindi siguro siya makapaniwala sa aking sinagot. Ilang sandali pa ay tumawa naman siya bagay na ipinagtaka ko. "Bakit po Master? Nakakatawa po ba ang sagot ko?" "No, hindi naman. Nagulat lang ako sa sagot mo. It means sasagutin mo siya kaagad without knowing his true intentions?" "Ahh, syem