"Ms. Jane?"
Itinigil ko ang pagsusuklay at dali-daling nagpunta sa may pinto. "Sir Fred, bakit po?." Binuksan ko ng maluwag ang pinto upang siya ay pumasok ngunit umiling lamang ito at nanatiling nakatayo sa may gilid.
"Ms. Jane, naibigay po ba sa inyo ni Master Zeus ang kontrata?"
Tumango ako. "Opo"
"Mabuti po kung ganoon, meron ka po bang tanong?"
"Meron po Sir Fred,". Nagdadalawang isip talaga ako sa bagay na iyon. Siguro okay na rin kung itatanong ko ito para mas maliwanag at maintindihan ko.
"Ano po iyon?" Wika nito nang mapansin ang pagkailang ko.
"Sir Fred, yung tungkol po sa pagpapaligo kay Master Achi, ako din po ba ang gaga------"
Natigil ako ng bigla siyang mapaubo at tumingin sa akin na parang natatawa. "Ms. Jane ako na po ang gagawa kung hindi ka komportable"
"Ahhh ehhh, Sir Fred hindi po sa ano... Ano kasi" hindi ko naiwasan ang pag iwas ng tingin dahil parang naging malisyoso ako.
"Ms. Jane hindi na po bago sa akin yan, halos lahat ng nag-alaga kay Master ay hindi magawang paliguan siya. Pag ganoon po ay ako na lang ang gumagawa. Yung iba naman ay sanay na. Pero si Master Achi na din ang nagsasabi na ako na lang ang magpapaligo sa kanya."
Tanging pag ngiti ang aking naisagot sa kanya. Hindi naman sa pag-iinarte, hindi lang talaga ako komportableng magpaligo ng lalaki. Nung hindi pa ako namamasukan bilang katulong ay nag-aalaga na ako pero may limitasyon. Naranasan ko din naman ang magpaligo pero baby lang na 1 month old at 5 years old ang pinakamatanda.
"Ms. Jane makakapagluto kaba ngayong gabi?" Sambit ulit nito.
"Opo Sir Fred. Tama po ba? 7pm po ang oras ng pagkain ni Master Achi?"
Tumango ito saka ngumiti. "Opo. Nandoon na po sa kusina ang lahat ng kailangan mo Ma'am. At naka paskil na rin po sa Ref yung mga menu na pwede lang kainin ni Master"
"Sige po, bababa na po ako." Tutal mag-aala sais na din.
"Sige po. Bababa na rin po ako Ms. Jane". Ani ng matanda at kami ay lumakad na pababa ng hagdan.
Habang nasa likuran ako ni Sir. Fred ay muli kong nilibot ang tingin sa paligid. Dimlight lang ang ilaw. Wala ding masyadong furnitures, walang painting o base. Tanging mahabang sofa, malaking chandelier at dalawang kwarto ang makikita sa loob ng bahay. At ilang saglit pa ay napansin ko ang malaking kulay brown na cabinet na nakadikit sa may pader. Hindi ko naiwasan ang tanungin si Sir Fred nang madaanan namin iyon.
"Sir Fred ang laki naman po nitong cabinet."
"Yan po," tumigil si Sir Fred sa paghakbang at tinignan ang cabinet na nasa aming harapan. "Halos kasing tanda ko na po itong cabinet. Maraming tao na din ang nakakita nito."
Kitang-kita ng dalawang mata ko ang paghawak ni Sir Fred sa cabinet na ito. Ewan ko ba kung bakit bigla nalang nagsitayuan ang aking balahibo. May kung anong lihim o bagay siguro ang meron ito. Kaya ganun na lang ang kilabot na nararamdaman ko. Katabi ito ng pinto kung nasaan ang kusina.
"Ahhh hehehe Sir Fred eto po ang kusina ano?" Sabi kong pilit na ngumiti at itinuro ang pinto ng kusina. Mula sa kinatatayuan ko tanaw ko na ang malaking refrigerator at ang kitchen sink na katabi lang ng lutuan. Moderno lahat ng nasa loob dahil may remote doon sa malaking mesa at ang malaking electric stove ay depindot din at de-remote din.
"Opo Ms. Jane" sagot nito at ako ay agad na pumasok sa kusina. Ayaw ko na din marinig ang sasabihin ni Sir Fred tungkol doon sa cabinet.
Kinuha ni Sir Fred ang remote at itinutok doon sa may ref. Bumukas agad ito dahilan para matuon ang tingin ko sa mga stock na nandoon. Punong puno ito ng gulay at karne. Mukang bagong bili dahil sariwa pa ang itsura ng mga ito.
"Eto lang po ang pipindutin mo Ms. Jane pagbubuksan itong ref."minuestra ni Sir Fred kung paano gamitin ang remote. Pati ang malaking electric stove na depindot ay tinuro niya rin sa akin kung paano gamitin.
Makalipas ang ilang minutong pagtuturo ay naupo na si Sir Fred habang ako ay abalang naghahanda na nang lulutuin hawak hawak ko ang kutsilyo at maingat na naghihiwa ng sibuyas. "Sir Fred ilang taon na po kayo?"
"Ako ba o kung gaano na ko katagal dito?" Tanong din nito. Napakagaan kausap ni Sir Fred siguro dahil ay halos kasing edad niya lang si tatay kung sa itsura niya ibabase.
"Parehas po" sagot ko at ngumiti.
"65 na po ako".
"Naku Sir Fred. Matanda lang po pala kayo sa tatay ko ng tatlong taon." Wika ko.
"Maswerte ang tatay mo, nagkaroon siya ng anak na katulad mo, ang sabi sa akin ni Master Zeus napakabait mo daw at masunurin".
"Naku hindi naman po masyado" sabay hagikgik ko ng mahina. "Sir Fred, pwede po bang wag ka nang mag Po sa akin? At Jane na lang po wag na pong Ms. Jane."
"Ahh ganun ba, sige. Sige Jane".
"Sir Fred ilang taon ka nang nagta-trabaho dito?"
"Naku, halos 30 years na kong nagsisilbi kila master Achi. Simula pa sa kanyang ina at ama. Bago pa siya pinanganak ay nandito na ako."
Hindi ko naiwasan ang lalong magkaroon ng kuryosidad sa sinabi nito. "Ahhh ang tagal na po pala". matipid kong sagot ngunit ang totoo marami nang katanungan ang nasa utak ko.
"Mabuti at tinanggap mo ang trabaho na to. Alam mo ba ang dami ko nang na hired na maid at caregiver kaso lahat sila umalis din"
"Bakit po?" Tanong ko pero hindi na lingid sa kaalaman ko na may pagka suplado daw si Master Achi. Dahil sabi ni Master Zeus habaan ko ang pasensya ko pagdating ko rito. Marahil ay ito nga ang dahilan kung bakit umaalis ang mga nag-aalaga sa kanya. Pero anong malay ko baka meron pang ibang dahilan. Bukod kasi kay Master Achi ay iba din ang ambiance nitong bahay.
Hayyy naku Jane.. graduate kana sa Da vinci Mansion pati ba naman dito dala dala mo pa din yang takot mo? Hindi na naiwasan ng kabilang utak ko ang mapaisip.
"Ang dahilan nila napaka-suplado daw ni Master Achi. Walang araw o walang oras na hindi sila sinisigawan, minsan pagsasalitaan pa ng hindi maganda----" nahinto si Sir Fred sa pagsasalita dahilan para tignan ko siya. May pag-aalala sa mukha nito na parang mag-iiba na ako ng isip na baka umalis din ako.
"Sir Fred, hanggat kaya ko pong pagpasensyahan si Master Achi gagawin ko po. Pinangako ko kasi kay Minah na tutulungan si Master Achi na makarecover." Ngumiti ako na sa totoo lang parang napanghinaan din ako ng loob.
"Salamat Jane, ang totoo niyan awang awa ako sa kalagayan ni Master Achi. Parang lahat na lang yata ng kamalasan ay dinanas niya" sambit ng matanda na rinig na rinig ko ang pagkalungkot ng tinig nito.
"Nga pala Sir Fred. Ako din ho ba ang maglilinis nitong bahay?"
Umiling ito. "May cleaning services na akong na-hired. Tatlong beses kada isang linggo sila nagpupunta rito para maglinis. Utos ni Master Aeolus para hindi na mag-hired ng maid"
"Mabuti po at mababait ang mga kapatid ni Master Achi. Kahit papaano di siya pinapabayaan."
"Naku hija, tama ka diyan. Bunso kasi si Master Achi."
"Ahh bunso po pala siya.-----"
Ring-----ring----. Kinuha agad ni Sir Fred ang telepono na nasa bulsa ng kanyang polo. "Master, opo paakyat na po". At saka pinutol din nito ang tawag.
"Jane, puntahan ko lang si Master Achi".
"Sige ho" saka sinundan siya ng tingin palabas ng kusina. Muli kong tinuon ang atensyon sa aking pagluluto. Ilang sandali pa ay nahinto ako pinunasan ang ilang patak ng luha sa aking mata.
"Nakakainis bakit ako na ho-homesick?" sabi ko sabay hinga ng malalim. Ganito din ang pakiramdam nung unang araw na nagtrabaho ako kila Master Zeus. Hininto ko muna ang ginagawa at umupo sa may upuan. Panay punas ko ng luha na hindi ko mapigil sa pagtulo.
Ring----ring. Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa. Nakita ko agad ang pangalang rumehistro doon kaya agad ko itong sinagot.
"Jane, kamusta ka dyan" wika agad nito.
"Nay lydia, na ho-homesick po ako, namimis ko na po kayo". Sabi kong pigil na pigil ang aking paghikbi.
"Jane, umiiyak kaba?" May bahid na nang pag-aalala ang tinig nito. Kaya hindi ko na pigilan ang aking paghikbi.
"Nay... Namimis ko na po kayo dyan".
"Naku bata ka, tumahan kana. Pinag-aalala mo naman ako niyan eh. Ano? Ipapasundo na ba kita dyan bukas?"
Sunod sunod ang pagpahid ko ng luha habang pinakikinggan ang tinig ng aking mayordoma. Mas lalo akong naiiyak pag naririnig ang boses niya at pag naaalala ko kung paano suklayin ang aking buhok ng kanyang mga daliri. Pati ang tawanan namin pag nagluluto kami sa kusina.
"Nay namimis na po kita" hikbi ako ng hikbi pati agos ng aking luha ay lalong nag tuloy tuloy. Ilang saglit pa ay narinig ko ang aking mayordoma na humihikbi na rin. Ilang segundo kaming nakikinig sa paghikbi ng bawat isa. Higit pa kasi sa pagiging mayordoma ang pinakita niya sa akin. Itinuring niya akong tunay na anak na hindi ko naranasan sa tunay kong ina.
"Jane, ipapasundo na kita dyan bukas". Sabi nitong binabawi ang sarili mula sa pagluha.
"Naku Nay wag po, nangako po ako kay Minah."
"Sigurado ka? Basta tumawag ka sa akin kung gusto mo nang bumalik dito."
"Opo Nay, na-ho-homesick lang po talaga ako kaya siguro ganito."
"O sya, wag ka nang umiyak. Masasanay ka din. Kung nalulungkot ka dyan tawagan mo lang ako o kaya si Minah, sigurado namimis ka na din nun. Alam mo naman na ikaw ang bunso sa inyong apat" biro nito dahilan para ako ay ngumiti habang patuloy sa pagluha.
"Opo nay"
"Saka iha, mabait yan si Butler Fred."
"Opo nay, nakapagkwentuhan na nga po kami kanina"
"Ay sya nga?, Aba'y mabuti pasasaan ba ay masasanay ka din dyan. At si Master Achi mabait din yan, sa umpisa lang yan na akala mo suplado. Pero pag nakagaanan ka na niya ng loob masasabi mong totoo ang sinabi ko."
"Talaga nay"
"Intindihin mo muna at pagpasensyahan ganyan talaga pag may nararamdamang sakit. At Jane,"
"Bakit nay?"
"Malaki ang tiwala ko sayo na matutulungan mo siya. Sana makalakad siya ulit. Pinagdarasal ko yan gabi gabi. Halos anak ko na din yan kung ituring ko. Kaya Jane nakikiusap ako alagaan mo si Master Achi kahit ano pang kasungitan o ka-supladuhan ang ipakita niya sayo"
"Opo nay".
"O sya, iaakyat ko muna itong pagkain nila Master Zeus. Ibababa ko muna itong tawag ha."
"Sige po Nay, paki kamusta na lang po ako sa kanila. Wag niyo na lang pong sabihin na umiyak ako" sabi ko at mahinang humagikgik habang pinupunasan ang aking luha.
"Sige Jane, bye"
"Bye nay Lydia"
Pagbaba ng cellphone ay muli akong bumalik sa pagluluto. Kahit papaano ay nabawasan ang homesick nararamdaman ko. Itinuon ko ang aking atensyon sa mga rekado lalo na sa lasa ng pagkain. May pagka masungit ang alaga ko kaya expect ko na pati sa pagkain ay maselan din siya.
"Tama na siguro ito". Maingat kong inilagay sa tray ang mangkok na may ulam at nasa tabi naman nito ang bagong saing na kanin. Naglagay din ako ng isang basong tubig. At isang basong pineapple juice.
"Ang bango niyan Jane papunta pa lang ako dito amoy na amoy ko na sa hagdan yang nilagang baboy". Sambit ni Sir Fred na papalapit sa akin.
"Talaga po? Magugustuhan kaya ito ni Master Achi?"
"Sa palagay ko Oo, sa amoy pa lang nakakagutom na." Agad itong lumapit sa akin upang kunin ang tray.
"Sir Fred pwede ho bang ako na lang ang magbigay sa kanya?" Lumingon siya sa akin na tila nagdadalawang isip. Marahil ay iniisip niyang di ako maglalakas loob na makita si Master Achi.
"Sigurado ka Jane?" Tanong nito.
"Opo, para personal ko din maipakilala ang aking sarili kay Master Achi". Ngiting sambit ko kahit ang totoo ay kinakabahan din ako.
"Sige. Ako na lang ang magdadala. Ikaw na lang ang magpasok nito sa kwarto niya". Ani nito at kami ay lumakad na paakyat sa hagdan.
---------------------