Nasa likod ako ni Sir Fred habang umaakyat ng hagdan. Bawat hakbang ay tila bilis din ng kaba ko. Kung ano man ang sasabibin sa akin ni Master Achi ay di ko na lang papansinin. Naiintidihan ko naman dahil may karamdaman siya. Naikwento sa akin ni Master Zeus na paralisado na daw ang mga paa ni Master Achi. Kung makakapag therapy at maalagaan siya ng maayos ay may tsansa pa itong makalakad.
"Jane, pakipihit mo nga itong door knob."
Muntik na akong bumangga sa likod ni Sir Fred. Hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa pinto kung nasaan ang kwarto ni Master Achi. Magkatabi lang kami ng kwarto. Pero feeling ko ang layo layo. Ang tahimik kasi dito na sa unang tingin kala mo walang tao.
"Opo" sagot ko at humakbang upang pihitin ang door knob. Habang bumubukas ang pinto ay napagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto. May ilaw naman sa loob at nagmumula iyon sa maliit na lamp shade. Katabi naman nito ang kama na may kalakihan. Ilang hakbang lang mula sa kama ay may isang solong upuan at sa tapat nito ay center table na hindi ganoon kalaki.
"Jane ikaw na ang magpasok nito" sabay abot sa akin ni Sir Fred ng tray na agad ko ding kinuha.
"Opo" at lumakad papasok sa may kwarto. Ang tahimik ng paligid ang tanging naririnig ko lang ay yung hangin na nagmumula doon sa bukas na bintana. Yumuko muna ako ng bahagya bago ko inilapag ang tray. Mabuti na lang at napansin ko si Master Achi nandoon sa may bintana.
"Master Achi, heto na po ang hapunan ninyo". Sabi ko at marahang iniangat ang ulo. Hinintay ko siyang magsalita, ngunit di siya sumagot. Ilang saglit pa ay nakita kong lumingon siya na halos kalahati lang ng kanyang mukha ang aking nakita.
"Master heto na po ang pagkain mo" sabi ko ulit. Ganoon pa din hindi pa rin siya nagsalita bagkus ay ibinalik niya ang tingin sa labas ng bintana.
"Ahm Jane, ako na lang ang bahala. Pwede ka nang kumain." Wika ni Sir Fred.
Hindi na ako tumugon bagkus ay inilapag ko na lang sa mesa ang tray at marahang lumabas sa kwarto.
"Kumain kana Jane, susunod na lang ako sayo". Ani ni Sir Fred na nakahawak na sa pinto.
"Okay po" sabi ko at ngumiti. Isinara na nito habang ako nakatingin pa rin sa may pinto. Nakaramdam ako ng lungkot habang inaalala ang kinilos ni Master Achi. Parang wala siyang tiwala, parang di niya gusto na may kumakausap sa kanya, parang ayaw niyang makita siya na nasa ganoong sitwasyon. Tanging paghinga ng malalim ang aking ginawa ng sandaling iyon. Nakakaawa pala talaga si Master Achi. Ibang iba siya ngayon kumpara nung araw na nakita ko siya at nakausap. Hindi man siya nakangiti ay parang mabait siya nung nakausap ko siya sa may grocery. Ngunit ngayon tingin ko marami ng nagbago.
Bumalik ako sa kusina at doon ay tahimik akong kumain. Nag-iisip na ako kung anong mangyayare bukas. Sisigawan na kaya ako ni Master Achi? Magagalit kaya siya sa akin?. Natigil ako sa pag iisip ng muling mag ring ang aking cellphone.
"Si nanay?" Mukang nahuhulaan ko na kung bakit siya tumawag.
"Jane? Anak?"
"Nanay. kamusta ka?"
"Mabuti naman anak. Ikaw kamusta ka dyan? Kanina lang sinabi ni tatay mo na nilipat ka daw ng amo sa pinsan niya?"
"Opo nay, heto, okay naman ako. Medyo nakakapanibago lang. Kasi ako lang ang katulong na nandito". Ani ko at ibinaba mo na ang kutsarang hawak.
"Paano yan baka lahat ng trabaho dyan ipagawa sayo di mo kayanin?"
May pag-aalala sa tinig ng aking ina.
Umiling ako habang nasa aking tenga ang cellphone kong hawak. "Hindi nay, mag-aalaga lang ako dito. Hindi po ba nasabi ni tatay na caregiver ulit ang trabaho ko ngayon?"
"Hindi nak, ang tatay mo talaga kulang kulang pag nagkukwento"
"Si tatay talaga nagiging ulyanin na," sabi ko at saglit ng ngumiti.
"Anak may pera ka ba dyan?"
Nahinto ako sa pag nguya at umiling. Hindi na bago sa akin ang ganito. Tatawag lang sila pag may kailangan. Wala naman akong sama ng loob sa aking mga magulang. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit naaalala lang nila ako pag may kailangan sila. Namimis din ba nila ako?
"Anak kasi ang kuya mo. Hiniram ang pera na pinadala mo nung isang linggo. Ang sabi niya ibabalik din niya eh kailangan na ng kapatid mo pambayad ng tuition bukas."
"Nay nagsusugal ba ulit si kuya?" Tanong ko na may halong inis.
"Hindi ko alam anak eh, anak kung pwede sana magpadala ka bukas?"
Pumikit ako sandali ngunit ang isang kamay ko ay unti-unting naging kamao dahil sa inis. kung nasa harap ko lang siguro si kuya ay nasuntok ko na siya. "Sige nay, ipapadala ko na lang sa account ni Josie."
"Anak salamat. Hantayin na lang namin bukas."
"Sige po. I-message ko na lang si bunso pag napadala ko na".
"Salamat anak. Kumain kana ba?" Tanong nito na akala ko ay ibababa na ang tawag.
"Kumakain pa lang Nay, kayo ba dyan?"
"Kakain pa lang kami----
"Kakain na, halina kayo" tinig ni itay sa kabilang linya.
"Sige anak ibababa ko na ha, ingat ka dyan. Bye." Pinutol agad nito ang tawag nang hindi pa ako nakakapag paalam. Napatingin na lang ako sa cellphone ko at ilang saglit ay bumuntong hinga.
"Hindi kana nasanay Jane" sabi ko sa sarili at mapait na ngumiti. "Mabuti na lang di ko pinaalam sa kanila ang tunay kong sahod. Dahil kung hindi ni piso walang matitira sa akin."
"Jane sino kausap mo". Papasok na si Sir Fred ng kusina nang ako'y magsalita.
"Ahhh wala naman po. Kain na po Sir Fred." Anyaya ko na ito naman ay umupo sa harap ng mesa at kumain.
"Nagustuhan po ba ni Master Achi yung pagkain?"
"Siguro. Hindi ko kasi nakita na lumapit siya doon sa may tray. "
"Ganun po ba." Ani ko nang may pagtataka. "Sa bintana pa rin po ba siya nakatingin.?" Muli kong sambit.
Tumango ito habang abala sa pagkain. "Ang sarap nitong luto mo iha, sigurado akong mauubos ni Master Achi ang dinala mong pagkain."
"Sana nga po".
*******************
Yakap yakap ko ang unan at ang isang unan naman ay nakaharang sa aking tenga. Hindi na ako dinalaw ng antok dahil sa ingay na naririnig ko. "Gusto ko nang matulog, parang awa mo na" maiyak iyak na sambit ko at lalong diniinan ang unan sa aking tenga. Nagsisitayuan din ang aking mga balahibo habang naririnig ang ingay na hindi ko alam kung saan galing. Gusto kong tignan kung saan ang ingay na iyon pero di ko na magawang iangat ang aking paa para tumayo sa pagkakahiga.
Isang boses na para bang umiiyak, puno ng paghihinagpis na tila galing ito sa madilim na trahedya.
"Tama na please, natatakot na ako"sambit ko gusto ko nang umiyak dahil takot na takot na ako. Ilang minuto din tumagal ang ingay na iyon at maya-maya pa ay nawala din.
Medyo nakahinga ako ng maluwag ng tumigil ang ingay. Unti unti kong tinanggal ang unang nakatakip sa aking tenga. Ang akala ko may kung anong bagay akong makikita sa aking kwarto. Mabuti naman at hindi ako nagpapatay ng ilaw kaya nakita ko agad na wala naman akong kasama na gagawa ng ganoong ingay. Tumayo ako at nagtungo doon sa bintana. Nakabukas, hindi ko pala naisara ito kanina. Siguro simoy lang ng hangin ang naririnig ko kaya akala ko may umiiyak.
"NOooooooooooooooo! Please!!!! nooooooooo!" Isang sigaw na nagmumula sa labas ng bintana at ang kasunod nun ay malakas na kalabog na parang may bumagsak na malaking bagay at sumunod ay tunog na mga babasaging bagay
Sa isang iglap ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Di ako nakapag salita at maski ang pagkurap ay di ko din magawa. Sobrang takot ang naramdaman ko na kulang na lang yata ay nanaisin ko na lang na ilibing ako ng buhay kesa marinig muli ang ingay na iyon.
"Master!!!! Master!!!" Bigla ay boses na ni Sir Fred ang aking narinig dahilan para bumalik ako sa tamang pag-iisip.
"Si Master Achi!" Sabi ko at dali daling lumabas ng aking kwarto. Bumungad agad sa harap ko ang mga bodyguard na papasok sa kwarto ni Master Achi.
Pinilit kong isiksik ang sarili upang makapasok sa loob at doon ay napatakip ako ng bibig habang pinagmamasdan ko ang sitwasyon ng aking amo.
"Leave!!!! Leave me alone!!!! Get out!!!" Pilit niyang itinatayo ang sarili mula sa sahig kung saan siya bumagsak. Tukod tukod niya ang dalawa niyang kamay upang ibangon ang katawan. Nakita ko din kung paano niya tiisin ang sakit para itayo ang dalawa niyang paa. Hindi ito gumagalaw bagkus ay para itong kawayan na walang buhay.
"Master, tama na po." Pagmamakaawa ni Sir Fred at pilit na pinipigilan ang pagtulo ng kanyang luha. Pulang pula ang mukha ni Master Achi dahil sa pagpupumilit na igalaw ang kanyang mga paa at binti.
"Master, tama na po" muling sambit na Sir Fred.
"I said leave me alone!!!!" Sigaw nito na napaatras ang ilang tauhan.
"Sir Fred," ani ko na awtomatikong bumaling sa akin ang matanda.
Umiling ito na may lungkot sa kanyang mukha. "Master, makakasama po iyan. Wag na po ninyong pilitin, pakiusap po. Tama na po."
"Damn it!!!" Sunod sunod na suntok ang binigay ni Master Achi sa kanyang sarili. Pati ang mga binti niya ay pinagsusuntok din niya. Dahilan para lapitan na siya ni Sir Fred upang pigilan. Niyakap siya nito at buong lakas na tinayo. Sumunod ang mga bodyguard at inilapit agad ang wheelchair.
"Leave me alone!! leave me alone!!!" muling sigaw nito. Napaupo na siya ni Sir Fred sa wheelchair ngunit hindi pa rin siya tumitigil sa pag suntok na pati si Sir Fred ay nasasaktan na niya.
Hindi ko na kayang makita pa ang nangyayari kaya't lakas loob akong lumapit at pinigilan ang mga kamay ni Master Achi. Ngunit malakas siya dahilan para mapaatras ako at muntik nang matumba.
"Leave me alone!! I said leave me alone Fred!!"
"Master tama na po" wika ni Sir Fred na nakayakap pa din sa aming amo.
Muli ay lumapit ako at sinalo ang kamay ni Master at buong lakas kong pinigilan. "Master Achi tama na po, please tama na po," pagmamakaawa ko at siya ay bumaling sa akin. Galit na ekspresyon ang aking nakita at sa isang saglit ay binalya niya ako dahilan para ako ay tumumba. Ilang segundong natahimik ang lahat at ang tingin ay nasa aming dalawa.
Hindi ko alam kung iiyak ba ako o magagalit. Kung iitsa niya kasi ako ay ganun ganun na lang. Hindi naman ako bagay. Tao kaya ako. Hindi niya ba nakikita? Muntik na talaga akong mapamura. Di ko aakalain na ang isang babaeng katulad ko ay nagawa niyang ihampas ng ganun lang. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya Kahit papaano ay mapakita ko lamang na hindi ako matitinag sa ginawa niya.
"Master, pakiusap.." sambit ulit ni Sir Fred. Unti unti siyang yumuko ilang sandali ay napansin ko ang pagtulo ng iilang patak ng kanyang luha sa balikat ni Sir Fred. Umalis sa pagkakayakap ang kanyang butler at iniharang nito ang katawan sa aming amo. Marahil ay ayaw nitong makita namin ang pagluha ni Master Achi.
"Iwanan niyo na muna kami." Utos ni Sir Fred na agad namang sinunod ng mga tauhan. Nilapitan ako ng isang bodyguard at inalalayan ako sa pagtayo. Doon ko lang napansin ang mga basag ng pinggan at baso sa sahig. Pati ang kamay kong biglang kumirot na tinignan ko. May sugat na dahil sa bubog na nakakalat sa may sahig.
"Ma'am halina po" ani ng bodyguard na nakaalalay. Tumango lamang ako at muling sinulyapan si Master Achi na nakayuko pa din.
**************