"Ang aga mo Jane, alas singko pa lang ah."
Abala siyang naghahalo ng bagong timplang kape sa maliit na tasa. Nakita ko rin ang isang basong gatas sa tabi nito na umuusok pa. " Kayo din po Sir Fred ang aga niyo po" mahinang sabi ko at sa kitchen sink dumiretso saka kumuha ng sipilyo.
"Dalawang oras lang naitulog ko. Di kasi ako makapante dahil kay Master Achi" wika nito at naupo sa may upuang tapat ng mesa.
Tumango ako at itinigil muna ang pagsisipilyo upang sumagot. "Ganoon din po ako. Parang nakaidlip na lang po ako." Maingat kong iniwas sa tubig ang parte ng aking palad kung saan ito nasugatan. Balot ito ng benda pero di sapat ang kapal ng tela nito upang matakpan ang dugo. Mahapdi pa rin hanggang ngayon. Maliit lang ang sugat pero mukhang malalim ang pagkakatusok ng bubog.
"Pasensya na kagabi Jane." Ani ng matanda at ilang sandali kami ay natahimik.
Hindi ko alam kung anong sasabihin matapos kong makita ang ginawa ni Master Achi. Siguro kung wala si Sir Fred ay nagpakamatay na ito.
"Jane kamusta yang kamay mo" sambit ulit nito.
"Okay na po. Ininuman ko na din po ng paracetamol para mawala ang sakit" sabi ko pero ang totoo mahapdi pa rin hanggang ngayon.
"Napalakas yata ang hampas ni Master."
Hindi na ko kumibo sa halip ay matipid akong ngumiti. Kumuha na lamang ako ng mug upang pagtimplahan ng kape.
"Maiwan na muna kita Jane, iaakyat ko lang itong gatas kay master." kinuha ng matanda ang tray na nandoon sa may mesa at inilagay nito ang isang basong gatas na mainit pa.
"Sige po Sir Fred".
"May bread pala dyan sa cabinet sa taas ng kitchen sink. Kumuha ka na lang dyan iha."
"Opo, magluluto na rin po ako ng agahan para makakain na rin po si Master Achi". Tumayo ako at binuksan ang refrigerator.
"Sige iha, para maaga mong mailabas si Master mamaya." sambit nito at lumakad na palabas.
Natigil ako sa pagkuha ng lulutuin. Naalala ko bigla yung kontratang pinirmahan ko. Sa pagkakatanda ko tuwing umaga dapat mailabas si Master Achi. Kailangan niyang maarawan dahil yun daw ang payo doctor. Makakatulong daw ito sa kanya dahil may bitamina ang sikat ng araw sa umaga. Habang nag-iisip ay sumasagi din sa isip ko ang itsura ni Master Achi. Kagabi ko lang napag masdan ang kabuuan ng kanyang mukha. Kahit pumayat siya kaunti at umimpis ang kanyang pisngi ay di ko pa rin maitatanggi na di nabawasan ang kagwapuhan niya. Kung ihahalintulad ko siya kay master Zeus parang pantay na pantay ang kanilang kakisigan.
"Jane! Ano ba!" biglang kong binatukan ang sarili at ilang sandali ay di ko napigilan ang pag ngiti. Natutuwa lang siguro ako dahil ang gwapo pala talaga ni Master Achi. Muli kong binatukan ang aking sarili upang matigil sa pag-iisip tungkol sa kanya. "Ang aga aga si Master Achi agad yang iniisip mo! Magluto kana nga!" saway ko sa aking sarili.
________________________
Kahit kinakabahan ay lakas loob akong nagsalita sa may pinto. Nasa likuran ko si Sir Fred, nakaalalay siya sa akin, dala niya ang tray na may pagkain. Agahan ni Master Achi na bagong luto ko. "Master Achi ipapasok ko lang po itong Agahan---" Hindi pa ko tapos magsalita ay sumagot naman ito.
"Come in". sabi nitong may kalakihan ang boses. Istrikto at may awtoridad ang kanyang tinig na nakakatakot pakinggan. Sa totoo lang dumadagundong na ang dibdib ko habang pinipihit ang door knob papasok sa kanyang kwarto.
"Salamat po Master" sagot ko nang bumukas ang pinto. Lumingon sa amin ni Sir Fred ngunit mabilis ding nag-iwas ng tingin. Iniabot sa akin ni Sir Fred ang tray at dahan dahan akong naglakad sa mesa kung saan naroon si Master Achi. Tahimik kong inilagay ang pagkain na pati yata tunog ng kubyertos ay maingat ko ding inilagay sa may pinggan. Hindi ko naiwasan ang panginginig ng aking kamay. Pakiramdam ko kasi kahit di nakatingin sa akin si Master Achi ay nasisilip ng kanyang kaliwang mata ang ginagawa ko.
"AYYY!"--- sa taranta ko, nasangga ko ang isang basong tubig kaya ang resulta ay natapon iyon sa may mesa, mabilis kong tinayo ang basong may tubig. Ngunit huli na dahil umagos na ito sa pantalon ni Master Achi. Dali dali kong hinubad ang apron na suot saka pinunas iyon sa pantalon ng aking Master. Lumuhod din ako upang punasan din ang tubig na kumalat sa sahig.
"Jane" sambit ni Sir Fred na kinuha agad ang tissue upang ipunas doon sa may mesa.
"Stop it!!!" isang malakas na boses ang nagpatigil sa akin at ako'y biglang pumikit.
"Sorry po Master----" mahinang sagot ko
"Out!!!! get out!!!!."
"Master sorry p------" muli kong sabi habang nanginginig ang aking kamay. Dahan dahan ko siyang tinignan at doon ko napagtanto na doon mismo sa pantalon niya tumapon ang tubig. Pinunasan ko pa naman iyon kanina. Sa taranta ko hindi ko naisip na p*********i na pala ng amo ko ang pinupunasan ko. Susme! Jane! ang tanga tanga mo! gusto kong sigawan ang sarili ngunit huli na. Kitang kita ko kung paano sumalubong ang dalawang kilay ng aking master ay maya maya pa pumikit na lang ako.
"OUT!!! GET OUT!!!" sigaw nitong nakakabingi.
"Jane, ako nang bahala dito. Lumabas ka na lang muna". sambit ni Sir Fred na inalalayan ako sa pagtayo. Nagmadali akong lumabas at isinara ang pinto. Sinapo ko ang aking dibdib at sumandal sa may pinto. Walang ano-ano ay binatukan ko ang aking sarili. "Sa sobrang takot ko nakabasag pa ako ng baso. Ang tanga tanga ko talaga" gusto kong maiyak dahil sa kahihiyan. Pakiramdam ko wala na akong mukhang maihaharap kay Master Achi.
"This is so stupid!!"
"Master pasensya na po."
"Damn it!!! Bulag ba siya!!!! hindi ba niya nakita yang baso!!!!"
Napapapikit na lang ako dahil rinig na rinig ko pa ang usapan nila. Sa taranta ko ay dumiretso na ako ng kusina. Kumuha ng pagkain at inilagay iyon sa tray. Muli akong bumalik sa kwarto ni Master Achi. Hinantay ko na lang si Sir Fred na lumabas na ilang sandali din ay bumukas din ang pinto.
"Sir Fred heto po. Kumuha ulit ako ng pagkain. Pagpasensyahan niyo na po ako kanina---"
"Ok lang Jane, normal na yon" sabi ng matanda na pinilit ang pag ngiti. Kinuha nito ang tray na dala ko at isinara agad ang pinto.
"DAMN IT!!!!". muli kong narinig si master Achi na sumigaw. Gusto kong umiyak dahil kahihiyan pero pinigil ko na lang.
___________________
Nasa bukana siya ng pintuan ng kanyang kwarto. Nasa likod naman ang kanyang butler na nakahawak sa likuran ng kanyang wheelchair. Hindi siya lumingon sa akin na kakalabas ko lang sa kwarto.
"Jane, ikaw na munang bahala kay Master Achi ha". Wika sa akin ni Sir Fred habang isinara ang pinto.
"Opo" sagot ko at dahan-dahan nag-bow. Hindi ko magawang sulyapan si Master Achi. Nahihiya pa rin kasi ako dahil sa nangyari kanina.
"Tara na iha" anyaya ng matanda at dahan dahan nakaalalay sa wheelchair ng aming amo. Nakaabang sa baba ang dalawang bodyguard na naka suit ng itim. Siguro bubuhatin nila si Master Achi pababa.
"Master tara na po" wika ng butler nito habang ako nakamasid lang sa kanila. Biglang natuon ang paningin ko doon sa may hagdan. Nagdikit dikit ang hakbangan ng hagdan at naging mukhang slide ito.
"Wow napaka high-tech pala ng hagdan na ito" di ko na naipigilan ang magsalita dahil sa nakita. Pangiti ngiting bumaling sa akin si Sir Fred. Nakita ko ang kamay niyang may pinindot na botton doon sa bungad ng hagdan. Kaya siguro nakakaakyat at nakakababa si Master Achi ay pinasadya nilang gawing ganito ang hagdan.
"Pinagawa ito ni Master Aeolus para di na mahirapan si Master Achi na pumunta sa kanyang kwarto. Mahal talaga siya ng kanyang kuya, Tama ba Master Achi?" ani nito. At yung tingin ko ay nabaling sa aming amo. Wala akong nakitang reaksyon sa kanyang mukha. Tanging diretsong tingin ang nakita ko at di niya alintana ang usapan namin ng kanyang butler.
"Mabait po talaga si Master Aeolus. Lagi po siyang kinukwento sa akin ng kaibigan kong si Lottie"
"Oo nga pala, kaibigan mo pala ang kanyang asawa. Mabuti nga't nakahanap na rin si Master Aeolus ng babaeng mag-aalaga sa kanilang mag-ama". wika ng matanda sabay baling kay Master Achi. "Sana ganun ka din Master" sabi nito sa aming amo.
Palipat lipat lang ako ng tingin sa dalawa, naghihintay ako kung sasagot si Master pero tanging pagbuntong hinga lang ang kanyang ginawa at umirap kay Sir Fred. Hindi siguro siya komportable na pag-usapan ang bagay na iyon. Ang pag papamilya.
"Stop talking to much". naiiritang sambit nito dahilan para tumahimik kami ng kanyang butler. Kusang pinaandar na Master Achi ang kanyang Wheelchair. May pinindot siyang buton kaya di na kinailangan ni Sir Fred na siya ay alalayan pababa ng naka slide na hagdan. Nakatingin lang ako sa aming amo habang ako'y nasa kanyang likuran.
"Jane, habaan mo sana ang pasensya mo kay Master." bulong ni Sir Fred na kasabay kong naglalakad. Tumango ako at di na sumagot. Pakiramdam ko kasi nakikinig pa rin sa amin si Master Achi.
Nasa bungad na kami ng pintuan at ang dalawang bodyguard ay nasa aming likuran. Nasa likuran ako ni Master Achi kaya't nakikita ko ang kanyang mga kilos. Nakamasid siya paligid. Tahimik na tila ba malalim ang iniisip. Muli niyang pinaandar ang kanyang wheelchair at doon dumaan sa may gilid ng malaking pinto. Sementado at pa slide din ang korte ng tapakan nito. Pinasadya din ang paggawa dahil halos kalahati na lang ang hagdan pababa doon sa labas.
"Master hantayin mo po si Jane" ani ni Sir Fred na agad naman akong sumunod sa aking amo.
"Master hintay" sabi ko nang medyo may kalayuan na kay Master Achi. Dahan dahan siyang tumigil at doon mismo tumapat sa lugar kung saan nasisinagan ng araw. Pasado alas -otso pa lang umaga kaya hindi pa ganoon kasakit sa balat ang sinag nito.
Hindi ko maalis ang tingin kay Master Achi habang ako'y lumalapit sa kanya. Lalo ko kasing nakita ang kaputian ng kanyang balat dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Naka grey long-sleeve siya at itim na pajama. Naka step-in lang siya kaya't nakita ko din ang maputing daliri niya sa paa. Pagkalapit ko sa kanya ay humawak agad ako doon sa likuran ng kanyang wheelchair. Bigla niya itong pinaandar kaya ang resulta ay muntik na akong masubsob sa kanyang likod
"Master dahan dahan lang po" sabi ko at napabitaw sa kanyang wheelchair. Hindi siya sumagot sa halip ay bumaling lang siya sa akin na halos kalahati lang ng kanyang mukha ang aking nakita. Nagmadali akong pumunta sa kanya at humawak ulit sa kanyang wheelchair.
"You don't need to follow me. I can go by myself" sambit niyang tila nainis.
"Master kailangan ko po kasing sundan ka. Yan po ang bilin ni Sir Fred.-----"
"I said I can!" sumigaw siya bigla dahilan para mapapikit ako. Nag-umpisa na akong kabahan dahil alam kong pagagalitan na ako ni Master kung magpupumilit pa ako. Sinundan ko na lang siya ng tingin. Siguro mas okay na rin na dumistansya ako kesa marinig ulit ang sigaw niya.
Pinaandar niya pa ang kanyang wheelchair hanggang sa makarating doon sa may gate. Natatanaw ko siya kaya nakita ko ang pagtaas niya ng kamay. Senyas upang buksan ng dalawang bodyguard na nandoon sa malaking gate.
Ito ang gate papasok dito sa lugar nila Master. Bumukas ang gate at kaagad ding lumabas si Master.
Nagmadali akong sumunod kay Master upang di siya mawala sa aking paningin.
"Master". Hanggang sa ako ay makalabas sa gate at nakita siyang nakatigil doon sa tapat ng dalampasigan. Puti ang buhangin at mala-torquoise blue ang kulay ng tubig.
"Master" muli kong tawag. Hindi siya sumagot kaya't naglakas loob akong lapitan siya. Tahimik lang kaming dalawa pero ang totoo gusto ko siyang kausapin. Baka kasi gusto niyang may kausap habang tinitignan ang magandang dagat.
"Ang ganda" di ko napigil ang sarili. Minsan lang kasi akong makakita ng ganitong tanawin. Ibang iba sa lugar namin na puro taniman ng palay. Kulay berde ang makikita at asul na ulap. Dito naman puting buhangin at kulay dilaw na sinag ng araw.
Lumingon ako kay master Achi. Ready na akong sigawan niya baka kasi ayaw niya akong magsalita. Pero lumipas ang ilang minuto ay nanatili siyang tahimik. Mayamaya pa ay may lumapit sa aming kulay brown na aso. Hindi ko napansin kung saan ito nanggaling dahil mabilis itong nagpunta kay Master Achi.
Kumakaway kaway ang buntot nito habang hinihimas ng aking amo ang ulo nito. Nakita kong may kinuha si Master Achi sa bulsa ng kanyang pantalon at iniabot ito sa aso na agad namang dumila sa kamay niya. Dog food siguro iyon kung di ako nagkakamali.
Tahimik ko lang silang pinapanuod at ilang sandali pa ay lumapit naman ang aso sa akin.
"Grrr" mukang ayaw nito sa akin. Kaya pilit akong ngumiti kahit nangingiwi ang aking bibig. Hindi malabong kagatin ako nito kung gagalaw ako.
Ayun na nga hindi na ako gumalaw tanging mata ko na lang ang gumagalaw habang nakatitig doon sa aso.
"Rarr!! Arww!" Kahol ng aso na tila gigil na gigil ng kagatin ako.
"Mabait ako wag mo kong kagatin" pilit kong sabi at ito'y kamahol pa din.
"Psssttt." Saway ni Master na agad naman itong sumunod. Muling inabutan ni Master ito ng pagkain kaya hindi na ito lumapit sa akin. Ilang minuto pa ay umalis din ang aso at si master ay tinitigan na lamang ito habang papaalis.
"Kala ko kakagatin na niya ako" sabi ko saka humingang malalim. Isang mahinang hagikgik ang aking narinig dahilan para lumingon ako kay master. Hindi ko man nakita ang kabuuan ng kanyang mukha ay nasilip ko naman ang pagkilos ng kanyang pisngi.
Tama ba ang nakita ko? Ngumiti si Master Achi?
-------------------