MASS C-6

2051 Words
Muling pinaandar ni Master ang kanyang wheelchair hanggang sa makarating ito sa bench na nakasilong sa may puno ng buko. Mas maganda ang view dito dahil makikita ang malalaking bato doon sa dalampasigan na hinahampas ng alon. Naupo ako doon sa bench habang si Master ay isang hakbang lang ang pagitan sa akin. "Ang ganda po dito Master, matagal ka na po ba sa lugar na ito?" Para akong nakikipag usap sa hangin, ni maski pagbuntong hinga ay di ko narinig sa aking amo. Napaka seryoso naman nito. Parang Oo o Hindi lang ang sagot eh. Gusto ko sanang iboses pero hindi nalang baka sigawan na naman niya ako. "Master may dala po akong tubig baka nauuhaw----" "Just put it there" bigla niyang sabi na ako nama'y inilapag ang bottled water na kanina pa nakalagay sa bulsa ng aking apron. Mahina ngunit may kalakihan ang kanyang tinig. Kasing banayad ng tunog ng alon na nasa aming harapan. "Master pasensya kana kanina, sobrang kabado kasi ako." Marahan siyang tumango ngunit hindi bumaling sa akin. Sapat na sa akin iyon dahil kahit papaano ay narinig niya ang paumanhin ko. "Master Achi ang ganda ganda po dito. Alam niyo po minsan lang po ako makapunta sa ganiton lugar. Beach. Mukang hindi po puntahan ito ng mga turista ano po?" Sambit ko ulit. Hindi ko na rin alintana ang kaba dahil pakiramdam ko kahit sandali ay nakampante akong kausapin siya. Hindi na rin ako umaasa na kausapin din ako ni Master. Siguro ganito na talaga ang ugali niya. Tahimik. Walang pakialam sa sasabihin ng iba. "Ang sarap po siguro mag bonfire dito sa gabi. Tapos may tent. Saka pagmamasdan yung mga bituin at buwan sa langit". Di ko naiwasan ang ngumiti kaya di ko naikubli ang mahinang hagikgik. "Sorry master, ang daldal ko." Ganoon pa din siya. Hindi pa rin nagsasalita. Para tuloy akong tanga na nagsasalitang walang kausap. Parang simoy ng hangin ang aking kausap dahil panay ihip din nito sa nakalugay kong buhok. Kinuha ko ang ponytail na nasa aking apron  at saka ipinusod sa aking buhok. Habang nagpupusod ay napansin kong lumingon sa akin ang aking amo. Mabilis din niyang iniwas ang tingin. "Sana'y po kasi akong nakatali ang aking buhok. Nung nasa kanila pa ako ni Master Zeus required sa amin ang nakapusod ang buhok at naka uniporme. Medyo nanibago nga po ako nung dumating ako rito. Kung doon  naka palda kami na abot hanggang tuhod dito naka slock at blouse naman ako. Sabagay mas komportable po ang ganitong uniporme." Habang nagkukwento ay di ko naiwasan ang ngumiti. Bumaling siya sa akin. Tinitigan niya ako na parang tinatantya kung totoo ang aking sinasabi. Bigla akong natahimik at yumuko. Naghahantay ng kanyang sigaw baka kasi naiirita na siya sa kadaldalan ko. Binaling niya ulit ang tingin sa may dagat ako naman ay pasimple siyang tinitigan. Hindi man ako manghuhula pero nararamdaman kong may kabaitan din siyang tinatago. Marahil ay hindi siya yung tipo ng tao na nagtitiwala agad. Kinuha niya ang bottled water na nasa tabi ko. Binuksan niya iyon at ininum. Palihim kong tinitigan ang kanyang paglagok na sinabayan niya ng pagtingala upang masimot ang tubig nito. Ilang sandali lang ay naubos niya ang tubig at muling inilagay ang bottled water doon sa aking tabi. Kinuha ko iyon at inilagay ulit sa aking apron. Ayaw ni Master Achi ang makalat yan ang bilin sa akin ni Sir Fred kaya siguro napakalinis ng lugar na ito. Pati ang bahay ni Master malinis. "Wow ang ganda naman nitong sea shell" sambit ko ng may makita sa aking paanan. Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Inilibot ko pa ang tingin sa buhanginan. Doon ay isa isa kong dinampot ang mga sea shell. Bawat isa ay may kanya kanyang hugis. Kaya mas lalo akong na-engganyong pumunta sa may dalampasigan. Itinaas ko muna ang aking slocks hanggang sa aking binti. Hinubad ko din ang suot kong tsinelas saka lumakad sa tubig na abot lang sa aking sakong. "Master ang ganda po nito o" saka itinaas ang hugis kabibe na parang may pearl sa loob. Nakatingin sa akin ang aking amo. Walang reaksyon pero nasisilip ko sa kanyang labi na tila pinipigil niya lang ngumiti. "Heto pa Master" sabay itinaas ulit ang sea shell na naiiba din ang hugis. Para akong bata dahil di maalis ang aking ngiti habang nandoon sa tubig. "Master masarap po sigurong maligo dito" sabi ko ulit. At ilang sandali pa ay kumirot na ang aking sugat sa palad. Napangiwi ako sa hapdi. "Ouch" sabay hakbang paalis sa tubig. Muling nagdugo ang aking palad kaya't isinuksok ko na lang ang aking kamay sa bulsahan ng aking apron. "Why?" Tanong ng aking amo habang isinusuot ko ang aking tsinelas. "Wala naman po master" muli akong naupo sa may bench ikinubli ko sa aking apron ang kamay na may dugo at ilang sandali lang ay nabahiran na rin nito ang aking apron. Mabuti na lamang at hindi lumilingon sa akin si Master hindi niya pansin ang apron kong may bahid na nang kaunting dugo. "Let's go" mayamaya ay sabi niya. "Sige po" patakbo akong nakasunod kay master. Ang bilis niyang paandarin ang kanyang wheelchair kaya't nakapasok na agad siya sa may gate. Huminto siya kay Sir Fred na nakatayo doon sa gate at kinausap ito sandali. "Master hintay po" nagmamadaling sambit ko at siya naman ay pumasok na sa loob ng mansyon. "Jane, halika palitan na natin yang benda sa sugat mo. Ikaw talaga di ka nagsabi na malalim yang sugat mo" sambit ni Sir Fred na sumalubong sa akin. "Okay lang po ako. Ako na pong magpapalit ng benda" "Aba'y paano mo gagawin? Isang kamay mo lang ang magagamit mo" sabi nitong may kasamang sermon. "Halika muna doon sa loob para magamot yan"dugtong pa nito kaya't sumunod na lang ako. Nasa loob na rin si Master Achi nasa may pinto at nakatingin lang sa labas. Kaagad akong yumuko ng mapansin ko na bumaling siya ng tingin sa akin. Hindi ko na naitago ang pagdurugo ng aking kamay dahil mas lalo itong kumalat sa kulay puti kong apron. ___________________ Kakalabas ko lang sa aking kwarto ng marinig ang musika na nagmumula doon sa baba. Sa sala. Nakita kong nakatayo si Sir Fred doon sa may tapat ng cabinet nakabukas iyon kaya't nakita ko ang lumang disenyo ng radyo na nasa loob. Kung hindi ako nagkakamali ay sinaunang plaka ang kanyang hawak. Nag-ii-sway ang kanyang balikat na sinasabayan ang tugtog ng musika. "Sir Fred" sabi ko at lumapit sa kanya. "Jane" sagot naman nito habang nakangiti. Mag-aalas kwatro na nang hapon kaya't ang sinag nang araw doon sa may labas ay hindi na ganoon kainit. "Si Master po?" tanong ko na agad naman itong ngumuso doon sa may center table. Nandoon pala ang aming amo. May tasa doon at isang sandwich. Mabilis lang na sumulyap si Master Achi habang ako ay matipid na ngumiti sa kanya. "Ang ganda naman po ng tugtog na iyan" baling ko kay Sir Fred. "Eto ba, Jazz music ito. Ito ang madalas na patugtugin ng Lola ni Achi noon" "Talaga po? maganda po pala ang taste niya sa music. At yung radyo po mukang sinauna pa?" tanging ang lumang radyo lang ang nakita ko sa loob at dalawang piraso ng plaka sa may cabinet. Yung isa ay ang tumutugtog habang yung isa ay hawak ni Sir Fred. "Naku ini-ingatan ko po ito. Ito kasi ang bagay na natitirang alaala ng Lola ni Master Achi. Si Madam Amelia." Sa tuwing makakausap ko si Sir Fred ay may bago akong nalalaman tungkol sa pagkatao ni Master Achi. Hindi ko tuloy naiwasan ang  kuryosidad at wala sa sariling napatingin sa aming amo. Nakatingin din pala ito sa amin na mabilis ding iniwas ang pagtingin. Lumapit ako ng kaunti kay Sir Fred at bumulong. "Napakaganda po siguro ni Madam Amelia, kasing ganda po siguro siya ni Madam Elizabeth" "Hindi Jane, Si Madam Amelia ay ina ni Don louis. Si Don louis ang daddy ni Achi. Maganda din si Madam Elizabeth pero kung ako ang tatanungin mas Maganda si Madam Amelia. Napakabait niya kung ikukumpara sa mommy ni Master" Di ko naiwasan ang paglaki ng aking mata. Para kaming tsismosa ni Sir Fred at ang tingin namin ay bumaling kay Master Achi. Nakita ko ang pag-irap sa amin ni Master Achi. Syempre dinaan ko na lang sa tawa para di naman halata na siya ang usapan namin. "Nakakatawa naman po" sabi ko kay Sir Fred na siya din ay tumawa.  "Jane" sabi nito at pasimpleng sumenyas na wag akong maingay. Ilang saglit pa ay pinaandar ni Master Achi ang kanyang wheelchair at lumabas doon sa main door. Doon ulit siya pumuwesto sa gitna kung saan may araw. Nakatanaw lang kami ni Sir Fred sa kanya. Kapansin pansin kung paano niya damhin ang init ng araw at simoy ng hangin. Nakapikit siya at maya maya lang ay may ibon na dumapo sa kanyang balikat. Hindi siya kumilos parang hinayaan niya lang itong lumakad pababa hanggang sa kanyang kamay. "Sir Fred parang mahilig po sa hayop  si Master Achi" sabi kong pinagmamasdan ang aming amo sa may labas. Tila nakikisabay din ang musika dahil maaliwalas ang ambiance. Maganda ang tanawin at nakapagaan sa pakiramdam. "Oo iha, ganyan talaga siya. Mahilig siya sa hayop nga lang di siya nakapag alaga dahil ayaw ng mommy niya. Si Madam Elizabeth." Si Madam Amelia. Si Don Louis. Kahit papaano nakikilala ko na ang pamilya ni Master. Di ko naiwasan na lalong mapaisip. Nung nakasama ko naman si Master Achi nung nasa grocery kami approchable naman siya. Ano kayang nangyare bakit bigla siyang nag-iba o baka dahil sa karamdaman na iniinda niya. Saka nasaan kaya ang daddy niya? "Napakabait po siguro ng daddy ni Master?" tanong ko na sa totoo lang naghihintay din ako sa mga ikukwento pa ni Sir Fred. "Kaugali niya din ang daddy niya tahimik pero mabait." "Siguro po kasing gwapo niya rin ang daddy niya". Sambit ko ulit. "Aba'y tumpak ka dyan iha, magkamukha silang dalawa. Masasabi kong mahal na mahal talaga ni Madam Elizabeth si Don Louis." Huminga ng malalim ang matanda at nagsalita ng may panghihinayang. "Kung buhay pa siguro si Don Louis hindi sasapitin ni Master Achi ang---" di niya tinuloy ang sasabihin sa halip ay huminga ulit siya ng malalim at muling bumaling doon sa lumang radyo. Kung buhay? Ibig sabihin patay na rin ang daddy ni Master Achi? Hindi ko magawang itanong. Marahil ay may mga bagay na hindi ko na dapat pang malaman. Saka sapat na rin siguro ang nalaman ko ang tungkol sa magulang ng aking amo. Sa palaga'y ko ay hindi naman ganoon ka suplado si Master Achi. kumbaga may pag ka choosy lang. Ilang saglit din akong napaisip dahilan para magtanong sa akin si Sir Fred "Jane? bakit?" pagtataka nito at tumingin kay Master Achi na nandoon pa rin sa labas. Mas marami nang ibon ang nakadapo na para bang komportable ang mga ito sa kandungan ng aming Amo. "Wala naman po Sir Fred. Nalungkot lang ako kay Master." "Bakit?" "Parang lagi siyang malungkot pag tinitignan ko siya. Mas gusto niya po yatang makasama ang mga ibon at yung aso na nasa labas kanina" "Totoo Jane, minsan nga mas gusto niyang mapag-isa ayaw niyang may nakikitang tao. Mas nakaka-stress daw kasama ang tao kesa sa hayop" "Kung magiging hayop ka Sir Fred anong gusto mong maging?" Birong sambit ko. "Siguro aso" agad niyang sagot dahilan para ako ay ngumiti. "Jane? niloloko muna ako" saway nito. "Naku hindi po. Bagay bagay po sa inyo ang maging aso dahil napaka masunurin niyo po kay master. Napaka loyal niyo din po" sabi kong may paggalang pero di ko pa rin mapigilan ang tumawa. "Eh ikaw Jane?"  "Ako po ibon" sabi ko saka itinuon sa mga ibon na nasa balikat at kandungan ni Master Achi.  "Bakit?" tanong ng matanda. "Para naman po nakakalapit ako kay Master." sabi ko. "At para maamoy ko siya" wala sa sariling naiboses ko ang aking kapilyahan. Bigla kong kinagat ang ibabang labi tapos si Sir Fred biglang tumahimik at ilang sandali pa ay nagsalita. "Naku Jane, di na bago sa akin yan. Lahat ng nag-alaga kay master Achi ay may lihim na pagtingin" Di ko alam kung biro ba ito. "Po?! Talaga po?" "Hindi. Biro lang". Sabay hagikgik nito. ----------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD