MASS C-7

2174 Words
"Master maiwan ko po muna kayo." Bahagyang yumuko si Sir Fred. Katabi ko si Master Achi ng umagang iyon. Ang sabi sa akin ni Sir Fred ay pupuntahan niya daw muna ang doctor ni Achi. Ayaw kasing sumama ni Master dapat silang dalawa ang aalis. Marahil ayaw ni Master sa maraming tao. Kaya di siya mapilit na sumama. Idagdag pa na malayo ang byahe kung sasakyan ang gagamitin. Pero mas minabuti ng kanyang butler na sakyan ang speed boat dahil isang oras lang ang byahe kumpara sa dalawang oras pag sasakyan. "Mamimili na rin po ako ng kailangan natin dito sa bahay isasama ko ang dalawang bodyguard Master" muli nitong sabi kay Master Achi. Tumango lang ang aming amo. "Tumawag ka sa akin Jane kung may emergency" baling naman sa akin ng butler nito. "Opo" "Ngayon lang talaga ako pupunta kay Doc ng mag-isa. Sobrang busy niya kaya hindi siya makakapunta dito Master. Pagpasensyahan mo daw muna siya Master" ani ulit ni Sir Fred sa aming amo. Tumango lang ulit ang aming amo. Habang ako ay nagpalipat lipat lang ng tingin sa kanilang dalawa. "Jane, nasabi ko naman sayo ang lahat ng mga gagawin mo ngayong araw. Tama ba?" Tanong naman nito sa akin. "Opo Sir Fred." Sagot ko at kinapa ang kapirasong papel na nasa bulsa ng aking Apron. Nilista ko kasi lahat ng bilin ni Sir Fred nung kinausap niya ako kanina. Mahirap na baka may makalimutan ako. Pagalitan na naman ako ng aming amo. "Maiwan ko na muna kayo" nag bow na ito kay Master at saka lumakad kasama ang dalawang bodyguard patungo doon sa sasakyan. Nasa bukana na ito ng gate at naghihintay sa kanila. Nilingon ko si Master na nakatingin sa paalis na sasakyan. Ngayon pa lang pinagpapawisan na ako dahil sa kaba. Unang una ko daw gagawin eh i-shave ang bigote ni Master. Eto yata ang unang pagkakataon na mag she-shave ako ng bigote at balbas ng lalaki. Napalunok ako habang nakatitig kay Master at saktong napatingin din siya sa akin. Parehas kaming napaiwas ng tingin. Pinaandar niya ang wheelchair at doon pumuwesto sa center table na katapat ng sofa chair. Bago umalis si Sir Fred ay inihanda na nito ang pang ahit at cream nandoon sa center table. Bilin ni Sir Fred dahan dahan at maingat dahil baka masugatan ko ang pisngi ni Master. Ngayon pa lang ay nanginginig na ang kamay ko ay inihanda ko na ang sarili ko sa kung anuman ang magiging resulta. "Master" sabi ko na hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Tumingin lang ito sa akin pagkatapos ay doon sa shaver. Sapat na iyon para malaman ko na ready na siya. Kaya kahit kinakabahan ay lumapit ako. "Master ngayon pa lang magsosorry na ako. Baka kasi masugatan ko----" Natigil ako dahil pasimple siyang umubo. Marahil ay nahalata na niya na kabado ako. Nanginginig na kasi kamay ko habang kinukuha ang basang bimpo upang ipunas sa pisngi at baba ni Master. Habang dinadampian ko ng bimpo ang kanyang pisngi ay di ko maalis ang tinging sa matangos niyang ilong pababa sa maninipis niyang labi na mala pinkish ang kulay. Di ko naiwasan na lunukin ang sarili kong laway. Ewan ko kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng kaunting kilig. Napansin ko sumulyap sa akin si Master kaya yung pag moment ko ay naputol. Ano ba Jane! Kung ano ano nang naiisip mo?! Magtrabaho ka na lang!. Saway ng aking isipan dahilan para mag pokus sa aking ginagawa. Pagkatapos kong dampian ng bimpo ang kanyang pisngi at baba ay kinuha ko naman ang cream. Inilublob ko muna ang kamay ko sa may palanggana na may maligamgam natubig para kahit papaano ay alam ni Master na malinis ang kamay kong dadampi sa kanyang balat. Tahimik lang si Master Achi pero yung mata niya ay nakamasid sa bawat kilos ko. "Master lalagyan ko na po ng cream" sabi ko at hinantay siya kung magsasalita ngunit isang pagtango lamang ang kanyang sinagot. Maingat kong nilagyan ng cream ang kanyang pisngi at baba. Dahan dahan ang aking paglagay at sinabayan ko ng kaunting masahe. Sa totoo lang para akong pagpapawisan. Ang lambot lambot kasi ng balat ni Master. Tapos ang gwapo pa niya, at sobrang lapit ko sa kanya. Bonus pa na ang bango bango niya. Wala sa sarili ay di ko naikubli ang aking pag ngiti. "Why?" Bigla siyang nagtanong dahilan para sumeryoso ako. "Wa---wa--wala naman po Master." Nauutal kong sagot at siya ay di na rin nagsalita. Ilang minuto din ang lumipas ay natapos na ako sa pag-ahit ng kanyang bigote at balbas. Napagmasdan ko ang kabuuan ng kanyang mukha. Maputi at malinis ang kanyang pisngi. Parang baby face dahil bukod sa malambot ay mamula mula din ang kanyang pisngi. Umangat ang kagwapuhan ng aking amo. kaunting bigote at balbas lang naman ang nasa mukha niya kanina pero ang laki ng deperensya nung natanggal na iyon. Lalo lumakas ang dating niya at nadagdagan ang kanyang kagwapuhan. Hindi ko tuloy naiwasan na titigan siya ng ilang segundo. "Are you done?" Tanong niyang di nakatitig sa akin. "Opo Master. Heto po tignan mo" saka iniabot ang salamin sa kanya. Kinuha naman niya iyon at tinignan ang sarili. "Okay" sabi niya at inilapag ang salamin sa may mesa. Pinaandar niya ang wheelchair saka lumabas sa may pinto. "Teka po master. Hantay po". Sabi ko at tumayo upang sundan siya sa may labas. Ang bilis niya kaya patakbo akong sumunod. Nandoon na siya sa may gate at itinaas ang kamay senyales na lalabas siya. Kaya yung dalawang bodyguard na nandoon ay mabilis na sinunod ang utos ni Master. "Master hantay po" malakas kong sambit habang papalabas sa may gate. Nakita ko siyang pumuwesto doon sa tabi ng bench, ako naman ay naupo doon. Dumistansya lang ako ng halos isang hakbang kay Master medyo nag-aalangan pa kasi ako na lumapit sa kanya. Baka kasi bigla siyang sumigaw o di kaya ay magalit dahil sa kakasunod sa kanya. "Master ano pong gusto mong ulam?" Alam kong hindi sasagot ang aking amo pero kahit ganoon ay mabuti na rin na kinakausap siya. Para alam niyang binabantayan ko siya. "Master ang ganda ganda talaga dito. Ang lamig ng hangin saka ang presko" sambit ko ulit at nagkrus ng mga braso dahil sa malamig n hangin. Palihim ko siyang tinitigan baka sakaling sumagot siya pero lumipas lang ang ilang minuto ay wala siyang naging reaksyon o sagot. "Master kung may gusto kang iutos wag kang mahiyang magsabi sa akin" "Shut up! That's the best thing that you can do!" Bigla akong natahimik at bumaling sa kanya. Kanina pa siguro siya naiirita sa kadaldalan ko. "Pasensya n----" "Quite!" --------------------------- Maingat kong inilagay sa kanyang harapan ang mangkok na may sabaw. Mainit din ang kanin na nakapagitan sa kutsara at tinidor. Tahimik lang ang aking amo habang naglalapag ako ng aming pananghalian. Tinolang manok ang niluto ko ngayong pananghalian. Gumawa din ako ng vegetables salad para naman sa panghimagas. Nasa gitna ng malaking mesa ang isang piling ng saging na lakatan at may mansanas na nakapalibot dito. Sa tatlong araw na pamamalagi ko dito ay ang tanging kusina lang ang kumpleto sa gamit. Kung ikukumpara ko kasi ito sa sala ay wala pa yata sa sampong gamit ang nandoon "Kain na po" aya ko habang nakaupo at sa kanya'y nakatapat. Marahan niyang kinuha ang kutsara at tinidor. Sinusulyapan ko siya sa kanyang pagkilos baka kasi may bigla siyang iutos sa akin. Ang sabi ni Sir Fred kailangan ko daw subuan si Master, kaya naman nitong igalaw ang mga kamay ngunit hindi daw nito natatagalan. Akala ko yung mga binti at paa lang ang naparalisado hindi pala. Dahil half paralyzed din ang mga kamay ng aking amo. "Master ako na pong magsusubo sa inyo" sabi ko nang makitang sa kanyang mukha na tila nahihirapan. "No". Madiin at strikto niyang sagot. Tumango na lang ako at muling bumalik sa pagsubo. Binilisan kong kumain kasi parang di kaya ng konsensya ko na makita siyang pinipilit ang sarili. Alam kong gutom siya dahil di maalis ang tingin niya sa kanyang pagkain. Nakaya niyang isandok ang kutsara sa mainit na sabaw ngunit nanginginig ang kanyang kamay. Dahan dahan niyang hinigop ang sabaw sa kutsara at muling sumandok ulit. Lalong nanginginig ang kanyang mga kamay kaya ako di na napigilan na tumayo at lumapit sa kanya. "Master ako na po" sabi ko at hinawakan ang kanyang pulsuhan. Bumaling siya sa akin at kitang kita ko kung paano nagsalubong ang kanyang dalawang kilay. "Take off your hands!" Iritable niyang sambit na ako naman ay bumitaw agad. "Master ako na pong magsusubo sayo" sabi ko kahit kinakabahan. Sumulyap siya sa akin na sinabayan ng pag-irap. "Go back to your seat!" Hindi ako bumalik sa halip ay nananatili ako sa kanyang tabi. Kinakabahan man ngunit hindi ko pwedeng hayaan siya na nahihirapan sa pagkain. Para ano pa't kinuha niya akong taga pag alaga kung hindi ko naman magagawa ang aking trabaho. "I said!! Go back---" "Master wala po si Sir Fred. Ang bilin niya po sa akin ay tulungan kita lalo na po sa pagkain" Ilang sandali din siyang tumahimik, bumuntong hinga na tila ba pinapakalma ang kanyang sarili. "Who are you to say that to me?!" Ewan ko ba kung bakit nakaramdam  ako ng inis at kasabay din nito ang lungkot. Alam kong binabayaran niya ako pero parang hindi ko matanggap na pagsalitaan niya ako ng ganun na lang. Tinitigan niya ako na parang buong kaluluwa ko ang nakikita niya. Hindi ko natagalan ang pagtitig sa kanya kaya ilang segundo ay yumuko na lang ako. "Back to your seat. Now!!" Tila umecho ang tinig sa loob ng bahay at kusa akong napaatras nang ilang hakbang. "Now!!" Sigaw niya ulit dahilan para ako ay bumalik sa aking upuan. Di ko na siya magawang titigan, itinuloy ko na lang ang aking pagkain kahit ang totoo mas gusto ko na lang umiyak. Jane pagpasensyahan mo na lang. Initindihin mo na lang si Master. Pinakalma ko ang sarili at mabilis na inubos ang aking pagkain. Kinuha ko ang aking pinggan upang ilagay na doon sa kitchen sink. "Damn!!" Bumaling agad ako sa kanya. Natapon ang sabaw na nasa mangkok at kumalat iyon sa mesa pati din sa kanyang damit at pantalon. Nagmadali akong kunin ang tissue at pinunas iyon sa kanyang nabasang damit "Damn it!!! This is s**t!!" Reklamo niya. Minabuti kong di na magsalita sa halip ay pinagpatuloy ko ang pagpupunas. Ramdam ko na mainit pa yung sabaw na natapon. Kaya posibleng napaso ang kanyang balat. Itinaas ko ang kanyang damit hanggang doon sa may bewang. Wala na sa isip ko kung magalit siya ang importante ay maagapan ko kaagad ang pamumula ng kanyang balat. Kumuha ako ng kamatis at hinati iyon. Kahit hindi ko nakita ang reaksyon niya ay kapansin pansin na natigilan siya. "What are you doing?" Hindi ko siya kinibo bagkus ay pinahid ko yung kamatis doon sa parte ng bewang niya kung saan namumula pababa doon banda sa pusod niya. Maputi ang kanyang balat kaya nakita ko kaagad ang pamumula. "Stop it!" Bulyaw niya sabay hawak sa aking kamay na may hawak na kamatis. "Are you crazy?!" Inis  na inis na siya dahil nakita kong nagngingitngit na ang kanyang bibig. "Ginagamot ka". Pwersahan kong hinablot ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak. Pagalitan na niya ako pero di ako magpapatinag sa kanya. "I said stop!" At muli ay hinawakan niya ang aking pulsuhan. "Okay" sabi ko. Di ko na napigil ang inis kaya di ko na siya matawag na Master. Binuksan ko ang tukador na nandoon baka sakaling may medicine kit akong makita. Mabuti at nahanap ko agad kaya muli ko siyang nilapitan.  Akmang pipindutin niya ang kanyang wheelchair ay patakbo akong humarang sa pintuan at sinara agad iyon. "Master kailangan kitang gamutin, pagagalitan ako ni Sir Fred pag----" "Tsk, don't you!---" "Kahit sigawan mo ako!" Kinakabahan man eto lang ang naiisip ko, ang daanin siya sa dahas. Walang kakurap kurap na tinitigan ko siya. Ganoon din ang kanyang ginawa. Hanggang siya ay inalis ang tingin sa akin. Pakiramdam ko ako ang nanalo. "Susunod ka rin pala" bulong ko at palihim na ngumiti. "What?!" Inis na sambit niya na para yatang uusok na ang kanyang ilong. "Kahit ano pang sabihin mo Master, ako ang masusunod". Sabi kong may halong pang-aasar. "Tsk!" Sabay buntong hinga niya. Di ko naiwasan ang pag ngiti na parang kontrabida sa isang pelikula. Kala mo, di ka makakalabas dito sa kusina. Lumapit ako sa kanya at itinulak ang kanyang wheelchair pabalik doon sa mesa. Muli kong tinaas ng dahan dahan ang kanyang damit hanggang doon sa kanyang tiyan. Kumuha ako ng bimpo at pinunasan ang kanyang tiyan. Sa totoo lang di naman yata tiyan ang nakikita ko. Dahil may anim na umbok na hugis bato. Parang pandesal. Abs. Tama abs. May abs din pala ang aking amo. Di ko napigilan na sulyapan siya na siya pala ay nakatitig din sa akin. "What?!" Umiling iling ako. "Wala naman po."sagot ko pero ang totoo naduduwag akong tignan ang kanyang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD