Pagkatapos punasan ng malinis na bimpo ang parte kung saan siya napaso ay tinignan ko ang medicine kit kung may gamot para dito.
"Saan kaya dito?" Ani ko habang naghahanap ng gamot.
"There" sabi niya at itinuro ang kulay yellow na bilog na parang kamukha ng lalagyan ng vicks.
Kinuha ko agad ito saka maingat na pinahid sa kanyang napasong balat. Tahimik lang ako habang ginagamot siya pero yung dibdib ko di ko mapigil ang paglagabog. Marahil ito ang unang beses na actual akong nakakita ng bahagi ng katawan ng isang lalake. Never pa kasi kong nagka nobyo. Kaya di ko alam ang ganitong pakiramdam. Sa madaling sabi NBSB.
Di ko rin maiwasan ang mapasulyap sa kanyang pantalon. Hindi naman ako green minded. Kasi naman yung sabaw na tumapon ay umabot doon banda sa kanyang puson. Muli ko siyang tinignan na siya naman ay nagsalita. Tila yata nabasa niya ang aking iniisip.
"That's enough." Sambit niya.
"Okay po Master" patay malisyang sagot ko at iniligpit na ang medicine kit.
"I'm hungry" maya-maya ay sabi niya.
Di ko na naman naiwasan ang ngumiti habang nakatingin sa kanya. Akala ko ipipilit na naman niya ang kumain ng mag-isa. Kaya lumapit ako "Ako na pong magpapakain sa----"
"Okay" ani niya na hindi na ako pinatapos magsalita.
______________
"Salamat po" baling ko sa dalawang bodyguard nang matapos nilang ihiga si Master sa kanyang kama. Pagkatapos kasi niyang kumain ay nagsabi siya na magpapahinga siya. Nandito ako sa kwarto niya. Tanghaling tapat pa nang mga oras na iyon kaya maliwanag pa ang paligid ng kanyang kwarto. Sapat na sapat ang sinag ng araw na nagmumula sa malaking bintana upang makita ko ng malinaw ang nasa loob nitong silid.
May cabinet din na hindi ganoon kalakihan. May study table, laptop at upuan na katabi ng cabinet at may may mga picture frame na nakadikit sa wall. Napaka organize ng mga gamit at napakalinis ng kwarto.
"Ang ayos ng kwarto mo Master, ang sinop at ang linis mo sa gamit" maya maya ay sabi ko.
Walang kagana gana niya akong tinignan at ilang sandali ay kinuha niya ang libro na nasa tabi ng lamp shade.
"Master dito po ba nakalagay ang mga damit mo" sabay turo sa cabinet malapit sa kanyang kama.
Kunot noo niya akong tinitigan. "Yes. why?"
"Palitan po natin yang damit mo Master. Gusto mo bang mag-amoy tinolang manok ka?"
Tanging pagbuntong hinga ang kanyang sinagot. Kaya ang ginawa ko lumapit na doon sa cabinet. Tinignan ko kung may damit siya.
May mga damit siyang nandoon nakatupi din at amoy na amoy ko ang mabangong amoy nito. Kumuha ako ng puting tshirt. Maiba naman. Lagi ko kasi siyang nakikitang naka long sleeve.
"No, I dont like that" reklamo niya. Alam na alam niya kung anong mga damit niya. Kaya muli kong binalik ang puting t- shirt. Di talaga mapilit ang suplado na toh.
"Get the black long sleeve" utos niya. Kinuha ko na lang at lumapit na sa kanya.
"Master papalitan ko na po--"
"Just do it, dami mo pang sinasabi".
Di ko naiwasan ang pag simangot. Nag-uumpisa na naman kasi siyang magsuplado. Dinaan ko na lang sa sapilitang ngiti habang nakatingin sa kanya. Napaka suplado nito. Gusto ko sanang iboses pero sinarili ko na lang.
Umupo ako sa tabi niya. Napansin ko ang pag ilag niya ng tingin sa akin, halatang hindi siya komportable na ako ang magpapalit ng kanyang damit. Ako din naman naiilang pero syempre hindi ko pinahalata.
"Papalitan ko na po kayo ng damit Master" sabi kong di nakatingin sa kanya. Sa may damit niya ako nakatingin at hinawakan ang laylayan ng kanyang long sleeve.
"K" tipid niyang sagot.
Inangat ko ang kanyang damit hanggang sa kanyang dibdib. Yung mata ko palihim na tinitignan ang kanyang maputing katawan. Patay-malisya ang aking ekspresyon pero sa isip ko iba na ang tumatakbo.
Napakaganda ng hubog ng kanyang katawan. Marahil dati ay nag eehersisyo siya kaya meron siyang muscle at anim na umbok na abs.
"Can you hurry up? Nilalamig na ako"sambit nito na ako naman ay binilisan ang pag tanggal ng kanyang damit hanggang sa sleeve na nasa kanyang braso. Kung siya ay nilalamig ako naman ay parang pinagpapawisan.
Di ko naiwasan ang paulit ulit na pagkurap. Hubad na kasi ang kanyang itaas na katawan. Bago pa niya mapansin ang aking pagkataranta ay agad kong sinuksuk sa kanyang ulo ang damit na ipapalit. Habang binibihisan siya ay may napansin akong pilat sa gitnang dibdib niya. Ilang segundo din akong di nakakilos habang nakatingin sa kanyang pilat.
"Why?" Tanong niya dahilan para kunin ko ang kanang braso niya para isuot ang mahabang sleeve ng damit.
"Wa--wa--la naman po Master"
Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit at kung anong nangyare pero minabuti ko na lang na isarili. Baka pagalitan na naman ako at sabihin pang pakialamera ako.
Inilalayan ko ang kanyang likod upang mapasuot hanggang likod ang damit niya. Muli ay natigil na naman ako ng ilang segundo. May malaking tatto kasi si Master doon sa kanyang likod. Hindi lang siya kasing laki ng piso kundi kasing laki ng palad ko.
"Hurry up!!" Reklamo niya at mabilis na binaba ang damit sa kanyang likod.
Pagkatapos ay inayos ko ang kanyang ulo at likuran sa may unan habang nakaalalay ay doon ko lang napagtanto na malapit na ang aming mukha, na parang nakayakap na pala ako sa kanya.
"Hurry up!!" Pasigaw niyang sabi kaya binilisan ko na lang na iayos siya pagkakahiga.
Pagkatapos ay kinuha ko upuan na nasa study table at inilapit iyon sa kanyang kama. Doon ako umupo at tahimik na binantayan siya. Kinuha niya muli ang libro na babasahin niya sana kanina at itinuloy ang pagbabasa.
Hindi ko naiwasan ang humikab dahil ang tahimik ng paligid. Gusto ko sanang mag music o kaya magcheck ng phone kaso di pwede. Baka pagalitan niya lang ako.
"I need water". Utos niya.
Tumayo agad ako. "Kukuha lang po ako ng tubig sa kusina Master."
Sinulyapan niya lang ako.
"Master gusto niyo po ba ng bread or sandwhich?"
"Okay" sagot niyang walang kagana gana.
"Master okay lang po ba na magdala ako ng ice cream"
"K" ani niya at itinuon ulit ang tingin sa libro.
"Master magdadala din po ako ng tsa-a baka-----"
"Water!!! Are you deaf!" Sigaw niya dahilan para magmadali akong pumunta ng kusina.
------------------
"Master eto na po". Iniabot ko sa kanya ang isang basong tubig saka umupo sa tabi ng kanyang kama. Nakaalalay at nakabantay ako sa kanyang kilos, nandoon pa rin kasi ang pangamba ko tatapon na naman ito sa kanya.
Itinaas niya ang kaliwang kamay habang hawak hawak ng kanyang kanang kamay ang basong may tubig. Senyales marahil na kaya niyang uminom mag isa. Kaya niyang uminom pero nanginginig ang kanyang kamay siguradong konting galaw lang ay matatapon yung tubig.
Mabilis naman niyang inubos ang tubig pagkatapos ay agad ko ding kinuha ang baso sa kanya. Pagkatapos ay kinuha ko ang bread na nasa platito at kumuha ng kapiraso gamit ang kutsara.
"Master, gusto mo?"
Umiling siya agad at muling binuklat ang libro na kanina niya pa binabasa.
"Master mauubos ko po ito. Sige ka masarap pa naman yung bread". Wala akong sagot na narinig ni ang mukha niya ay sadya niyang tinakpan ng libro. Ayaw niya na sigurong makinig sa mga sasabihin ko.
"Tsk! Sungit!" mahinang sabi ko saka umismid.
"Quiet!" sabi niyang hindi tumitingin sa akin
Ganoon pa din. Tahimik na naman ako. Lumipas ang kalahating oras ay naubos ko yung pagkain kong dala na para talaga sa kanya ngunit dahil sa wala naman akong kausap o kahit tignan man lang niya ako ay yung pagkain ang nagpag-buntungan ko ng atensyon. Pati yung tsa-a na medyo mapakla ang lasa ay naubos ko din. Maya maya pa ay tumayo ako at doon sa bintana pumunta. Kitang kita pala mula dito ang dagat. Mataas itong 2nd floor kung nasaan ang kwarto ni Master. Kung nakikita mula sa kanyang bintana ang dagat ganoon din siguro sa kwarto ko. Hindi ko naisip na dumungaw doon dahil lagi akong nakabantay sa aking amo. Kumbaga ang oras lang na meron ako ay pagka gising ko ng umaga at ang pagtulog sa gabi.
"Master ang ganda ng view dito. kitang kita din pala dito yung dagat" sabi kong bumaling sa aking amo. Alam ko naman na hindi niya ako kakausapin. Maski nga na tignan ako ay di niya ginawa. Bahala siya. Mapapanis talaga ang laway ko sa pagbabantay sa kanya.
"Master bakit ang tahimik mo?" Di ko na napigil ang sarili at marahan na bumaling sa aking amo.
No response even his actions. Wala.
"Master feeling ko malapit na ako mabaliw." Dinaan ko sa biro baka kasi marinig ko siyang bumungisngis. Pero dumaan ang ilang segundo. Wala pa rin.
"Sige Master hindi na ako magsasalita. Alam ko naman na ayaw mo nang maingay. Nakakatawa kasi lagi na lang kong nagsasalitang walang kausap." At tumawa ako ng mahina.
Bigla niyang inalis yung libro na binabasa niya at walang ekpresyon akong tinitigan. Nakatingin din ako sa kanya. Nagkatitigan kami ng halos limang segundo at maya maya ay bigla nalang akong natawa.
"Di mo ko matiis Master" sabi ko na pilit na pinigilan ang pag bungisngis.
"What?! Your pathetic" ismid niya at muling bumalik sa pagbabasa.
Sungit sungit. Wala ding sey yang kagwapuhan mo kung nakapa sungit mo!.
Gusto ko sanang iparinig sa kanya pero syempre sinarili ko na lang. Ayaw ko kasing makita na magsalubong ulit ng makakapal niyang kilay.
Nabalot na naman kami ng katahimikan. Nagpalakad lakad na lang ako at naisip na tignan ang mga picture frame na nakadisplay doon.
Nakuha agad ng atensyon ko ang litrato ng isang batang lalaki na nakayakap sa matandang babae. Puti na ang buhok nito ngunit di maikakailang maganda ito nung kabataan pa. Matangos ang ilong, mapungay ang mata, mahabang pilik mata at mamula mula ang mga pisngi.
Ang batang katabi naman nito ay napakagwapo din. Matangos ang ilong. Manipis ang labi at ang mga mata ay seryoso. Di ko naiwasan na tignan ang aking amo, saka muling tinitigan ang litrato.
"Master ikaw po ba ito?" Sabay turo sa litrato ng batang lalaki.
Ibinaba niya ang libro. At tumingin din doon sa litrato. Umismid siya. "Do you need to know?" Pabalang niyang tanong.
"Grabe ka. Parang nagtatanong lang eh". Di ko na napigil ang inis.
"Whatever" saka siya bumuntong hinga.
"Hmp! Tse!." Bulong ko. Nilapitan ko na lang yung litrato at hinawakan iyon pinunasan ko pa ng aking kamay para makita ko ng malinaw kung siya nga ang batang lalaki.
"Master ikaw nga ito" baling kong nakangiti sa aking amo.
"So?!"
"Hala siya, ang pogi pogi mo pala dati"
"And?!"
"Galit ka Master? Ayaw mo bang pinupuri ka?" Kinuha ko ang frame na nakasabit sa may Wall. At sa isang iglap ay aksidente kong nabitawan iyon.
Rinig na rinig sa kwarto ang tunog ng basag na frame. Ceramic tile ang sahig kaya nung bumagsak yung frame ay nagkalat sa sahig ang mga bubog.
"Damn!!! Asshole!!"
"Master sorry po!!!" At agad na kinuha ang litrato.
"Bakit ba hindi ka nalang umupo!! Napaka pakialamera mo!!" Bulyaw niya ulit.
"Master pasensya na po" at akmang kukuhain ang mga bubog. Natigilan ako nang muli na naman siyang sumigaw.
"No!!! Get a broom!!!" Utos niya dahilan para magmadali akong kumuha ng walis at dustpan sa baba
Pagbalik ko ay winalis ko agad ang mga bubog na nagkalat. Tapos yung litratong nasa frame ay tinanggal ko. May lamat na din yung frame. Tinignan ko si Master. Umiling iling siya at namumula ang kanyang mukha.
"Master pasensya na po"Nakaupo ako sa may upuang kaharap ng maliit na mesa.
"Keep in mind that your just a caregiver! It's not your duty to ask my personal life!"
Hindi na ko umimik. Hindi ko din naiwasan ang aking mga kamay sa panginginig dahil sa kanyang boses. Yumuko na lang ako at nakinig sa kung ano pa ang kanyang sasabihin.
"Are you crazy?! Di ka ba makaintindi?! Ha?! Asshole?!! Muli niyang sigaw.
Masakit. Parang gusto nang takpan ang tenga ko.
"That frame??!! Mababalik mo pa yan??! Putang---!". Bigla niyang binalibag malapit sa akin ang libro na kanina lang ay binabasa niya.
Tanging pagpikit ng mariin at paghawak sa apron ang aking ginawa. Di ko naman sinasadya. Bakit kasi nabitawan ko pa yung frame. Ang tanga ko talaga.
"Ano pa?!! Ano pang pakikialaman mo?!! Ano pang sisirain mo?!!.
"Master di ko po sinasadya. Hindi na po---"
"Shut up!!! Asshole!!"
"Sorry po talaga Master. Ibawas niyo na lang po sa sahod ko----" nagmamakaawa na ako at gumigilid na rin ang luha sa aking mata.
"Shut up!!! Get out!!! Out!!!" Sigaw niya.
Ayaw kong umalis pero sunod sunod na pagsigaw ang kanyang ginawa.
"Master hindi po pwede, babantayan ko----"
"I said out!!! Get out!"
Wala na akong nagawa kundi lumabas ng kanyang kwarto at dumiretso sa aking silid.
_____________________________