MASS C-9

2164 Words
Marahan kong binuksan ang pinto. Di ko magawang tumingin sa matandang katiwala. Mugto kasi ang aking mata. Halos dalawang oras din akong umiyak dahil sa aking kasalanan. Aminado naman ako. Kasalanan ko talaga kung bakit nahulog ang litrato na naka frame. "Jane" ani nito. Suot pa nito ang coat na ginamit nung umalis kanina. "Sir Fred ano po kasi". Sabi kong nahihiya. "Doon na lang tayo mag-usap sa sala". Saka lumakad papunta sa hagdan at bumaba. Sumunod naman ako kaagad, di ko naiwasan na bumaling sa pinto ng kwarto ng aking amo. Nakasarado ito. Sigurado akong umuusok pa rin ang tenga nito sa galit. Di ako makatingin kay Sir Fred habang umuupo sa may sofa  inaasahan ko na kasi na magagalit din siya sa akin. "Jane nabasag mo daw yung frame?" Malumanay nitong tanong. "Opo. Pasensya na po Sir Fred. Di ko po sinasadya" Narinig ko ang pagbuntong hinga niya. "Jane ang sabi ni Master wag na wag ka daw mangingialam ng mga gamit niya" Mariin akong pumikit at kinagat ang aking labi. "Opo, hindi ko na po uulitin. Pangako po. Hindi na po Sir Fred. Ibawas niyo na lang po sa sahod ko ang nabasag ko." Pigil na pigil ko ang aking luha na wag sanang tumulo. "Hindi sa ganoon. Si Master kasi ayaw niyang may nangingialam ng gamit niya. Maski ako hindi hinawakan basta basta ang mga litrato na nandoon. Kaya sana konting pang-unawa." Tumango na lamang ako habang nakayuko. Hindi ko pa rin maangat ang aking mukha dahil sa kahihiyan. "Sige na Jane tumayo kana dyan. Tignan mo sa kusina yung mga pinamili ko" ani ng matanda at lumakad doon sa kusina. Tumayo naman ako agad saka sumunod sa kanya. Kitang kita ko agad yung malalaking eco bag na nasa  mesa na agad kong nilapitan "Ang dami po nito Sir Fred" sabi ko at isa isang kinuha ang mga pinamili nitong grocery. "Mabuti na ang sobra kesa kulangin." Sagot naman nito agad. Nahuhulaan ko sa boses nito na tila hindi ito galit sa akin. "Sir Fred pasensya na po ulit ha," "Jane, okay lang sa akin. Pero kay Master tingin ko kailangan mong mag sorry sa kanya. Pag nasa mood na siya o wala nang toyo doon ka mag sorry. Sa ngayon kasi hindi pa makikinig sayo si Master" "Ganoon po ba, sige po" sagot ko saka pilit ng ngumiti. Isa isa naming iniayos ng mga grocery items at inilagay sa mga lalagyan nito. "Grabe ang dami po ng karne na ito. Pati yung manok. Sariwa pa po." Sabi ko habang kinukuha ang mga ito sa may malaking plastic. "Kaunti nga lang yan iha, dati rati nung okay pa si Master. Halos doble niyan ang pinabibili niya. Malakas kumain si Master dati. Pero ngayon limitado na lang ang pwede niyang kainin". "Kaya din po siguro pumayat si Master" Sambit ko. "Pano mo nalamang pumayat siya Jane? Nagkita na ba kayo dati?" "Ay opo, bumisita po kasi siya noon kay Master Zeus kaya nakita ko po kung anong itsura niya dati. Pogi po siya walang duda" "Alam mo bang ang daming nahuhumaling na kababaihan kay Master" naupo ang matanda sa upuan at saglit na itinigil ang pag-aayos ng mga gulay na ilalagay doon sa refrigerator. Ako naman ay bumaling ng tingin sa kanya habang abala sa paghuhugas ng mga prutas sa may kitchen sink. "Naku Sir Fred inaasahan ko na yan. Ang pogi kasi ni Master Achi saka matipuno ang pangangatawan, kaya talagang pipilahan siya ng mga babae." "Oo nga hija, naalala ko pa dati laging may  katawagan yan sa telepono. Nasa high school palang yata siya. Akala ko kaibigan niya. Eh napapadalas puro babae. Ibaiba ang pangalan bawat tumatawag." "Hala? Totoo po Sir Fred?" "Aba'y totoo. Tahimik lang yan si Master pero tingin ko matinik yan sa babae" aniya saka sinabayan ng bungisngis. "Malamang po Sir Fred ang type ni Master ay yung maganda, sexy, matalino. Kumbaga matatawag na girlfriend material" sabi ko saka ngumiti. "Oo, totoo. Yung pag nakita ng iba materyales pwertes" segunda pa ng matanda saka tumawa. "Pero Sir, may pinakilala na po ba siyang girlfriend at dinala dito?" Tanong ko. Tapos ko nang hugasan at ilagay ang prutas sa lagayan nito kaya umupo ako sa upuan at tinulungan si Sir Fred na ayusin naman ang mga gulay. "Sa pagkakaalala ko wala pa. Parang hindi naman yata nagseryoso si Master sa mga babae. Kumbaga hinahayaan niya lang ang mga ito na magkandarapa sa kanya." "Hmmmm bakit kaya?" Tanong ko habang patango tango. "Marahil iniisip niya na lahat ng babae kagaya ng kanyang ina" Walang ano ano ay napabaling ako ng tingin kay Sir Fred. Bigla kasi akong nabalot ng kuryosidad sa sinabi nito.  "Bakit naman po? Muka naman pong mabait si Mam Elizabeth." Sambit ko at itinuloy ang paglalagay ng gulay sa malaking container "Kung alam mo lang iha, halos isumpa ni Master ang sarili niyang ina". "Ganoon po ba". Tanging ito lang ang nasabi ko. Naisip ko kasi na baka masyado na akong nanghihimasok sa buhay ng aking amo kung magtatanong pa sa kanyang butler. "Kaya kahit ganyan siya ngayon ay okay lang. Wala sa akin kung pagsalitaan niya ako ng di maganda. Parang anak na kasi ang turing ko kay Master. Simula kasi pagkabata niya ay lagi akong nasa tabi niya hanggang ngayon  nandito pa rin ako para pagsilbihan siya." Tahimik lang akong nakikinig saka ngumiti. "Alam mo ba yang malaking cabinet na yan Jane?" Saka tinuro nito yung cabinet na malapit sa may pinto nitong kusina. "Yan po?" Saka bumaling sa tinuro nito. "Bakit po?" "Matagal na yan dito. Simula nung kabataan ni Master nandito na yan. Saksi din yan sa pagdidisiplina na ginagawa ng kanyang ina sa kanya" sabay buntong hinga nito. "Pagdidisiplina? Pasaway po ba si Master nung kabataan niya?" Umiling ang matanda. Tumayo naman ito saka kumuha ng coffee mug at kumuha ng kape sa coffee maker. Natapos na din ako sa pag-aasikaso ng mga gulay kaya kumuha din ako ng coffee sa coffee maker. "Hindi Jane. Napakabait ni Master. Para sa akin hindi pag didisiplina ang ginagawa sa kanya ni Mam Elizabeth. Kundi torture" "Paano niyo naman po nasabi Sir Fred?" ****************** Hatak hatak niya ang sleeve ng aking damit at mabilis na lumakad papasok sa malaking bahay. Humahangos pa ako habang nakasunod sa kanya na halos makaladkad ako nang paghatak niya. Puno ng luha ang aking mata na di ko mapigil ang aking pag-iyak. "Mommy! No, no, please!" Pilit kong hinahatak ang aking sarili ngunit di ko kaya. Bumitaw siya sa aking damit at ang kamay ko naman ang kanyang hinawakan. Nakarating kami sa loob ng bahay na ume-echo ang malakas kong paghikbi. "I told you get inside but you didnt listen!! Ang tigas tigas ng ulo mo! Ang sabi ko sayo wag kang lalabas!! Hindi ka nakikinig sa akin Achi!!" Balot na balot ng tensyon ang buong paligid. Kahit si Sir Fred ay nakatingin lang sa amin. Bumaling ako sa kanya nang may luha ang aking mata. "Fred please help me!" Sabi kong nagmamakaawa. Kahit may pag-aalinlangan sa kanyang mukha ay lumapit siya sa akin. Pinunasan ang aking luha pati ang pawis na pawis kong noo at likod. I was just 5 years old but I know the feeling of being tortured. "Madam tama na po, nasasaktan na po ang bata" malumanay nitong sabi sa aking ina. "Fred.." sabi kong humihikbi at pilit na iniaabot ang kanyang kamay. Binalya ni mommy ang kamay kong hawak niya kaya halos mabali ito at mapaiyak at sumigaw ako sa sakit. "Fred!!umalis ka dyan!!. Wag kang makikialam!!." Sigaw ni mommy na namumula na sa galit. "Madam, tama na po, maawa kana sa bata." Pakiusap ulit ng aking butler. "Fred, dont leave me please. Ayaw kong mapalo ni mommy" sabi kong umiiyak, nagmamakaawa sa aking butler na wag akong bitiwan. "Ahh ganon, hindi ka talaga aalis dyan sa butler mo, pwes humanda ka. Tatanda kana sa gagawin ko!" Mabilis na umakyat si mommy. Alam ko na kung anong kukunin niya. Kaya mabilis akong umalis sa pagkakayakap at pumasok doon sa malaking cabinet. "Master wag kang maingay para hindi malaman ni madam na nandyan ka" sabi ni butler Fred. Tumango ako saka tinakpan ang aking bibig ng dalawa kong kamay. Sinara agad nito ang cabinet at maya maya lang ay narinig ko na si mommy. Kasabay ng kanyang pagsigaw ay pag hampas niya ng sinturon sa may sahig. Takot na takot ako habang ako'y nakapikit. Marinig ko lang ang hampas nito sa sahig ay nanginginig na ang buo kong katawan. Kabisadong kabisado ko ang sakit ng latay nito pag humahampas sa akin. Sa likod, binti, sa tiyan, sa kamay, braso o kahit saan nanaisin na itama ng aking ina. Hindi niya ako titigilan hanggat hindi niya nakikitang nakahiga na lang ako sa sahig. Daddy. Help. Simula nang mawala ang aking ama ay nag-iba na ang ugali ng aking ina. Parang ako ang sinisisi niya sa p******y ni Daddy. Ako ang dahilan na sana ako na lang ang nawala. "Fred!!! Nasan na si Achi!! Ilabas mo si Achi!! Muling sigaw nito dahilan para idiin ko ang kamay kong nakatakip sa aking bibig. "Madam tumakbo po si Achi. Hindi ko na po nasundan" "What??!!. Asshole!! Bakit mo hinayaang tumakbo?!!" "Madam patawarin mo na po si Master, normal lang naman po sa bata ang lumabas at maglaro" "Pinapangaralan mo ba ako Fred?, Wala ka sa posisyon para sabihin kung anong dapat kong gawin kay Achi!." "Madam bata pa po si Master----" "Shut up!!! Humanda yang batang yang pag uwi!" Sanay na akong laging nagkukulong dito sa cabinet. Lalabas lang ako pag umaalis ang aking ina. Lagi siyang wala kaya nasanay na akong mga bodyguard, maid at ang butler lang ang aking kasama. Minsan naiisip ko mas masaya siguro kung laging aalis si mommy. Pag wala kasi siya nagagawa kong lumabas at makipaglaro sa ibang bata. ***************** Hawak hawak ko ang isang basong may gatas. Dala dala ko iyon papuntang sala. Pagkalapag ay binilang ko ang mga cookies na nasa pinggan pati ang tsa-a na katabi ng gatas na ay nandoon na rin. Ako mismo ang nagprepare dahil darating ang aking lola. Si Lola Amelia. "Achi maupo kana" istriktong sambit ng aking ina. "Opo mommy" sagot ko at naglakad papunta sa kanya. Walang ano ano ay aksidente kong nahawi ang basong may gatas kaya natapon ito sa mesa at sa makintab na sahig. Muling umecho sa buong bahay ang tinig ng aking ina. Kitang kita ko kung paano naging pula ang kanyang mukha at sumalubong ang dalawa niyang kilay. Tanging paglunok ang aking nagawa habang nakatitig sa aking ina. "Achi!!!!". Mabilis niyang hinablot ang aking kamay at sa aking likuran sunod sunod na paghampas ng kanyang kamay ang aking naramdaman. Sampung beses na umabot sa dalawampung beses na hampas. Naghahabol siya ng kanyang hininga at ilang sandali ay bumitaw sa akin. Hindi na kaya ng aking maliit na katawan ang sakit. Unti unti akong napaluhod at sa sahig ay bumagsak. "Mommy" sabi kong umiiyak. Hindi ako makahikbi dahil sa sobrang sakit ng aking likod. "Master!" Nilapitan agad ako ng aking butler at kinarga. Nalasahan ko din ang dugo na tumulo sa aking ilong pababa sa aking labi. Di ako makapagsalita dahil panay hinga ko ng malalim. "Asshole kid! Lagi mo na lang pinapainit ang ulo ko!!---- "Elizabeth What happen?" Dahan dahan kong ginalaw ang aking ulo at bumaling sa nagsalita. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha ng aking lola na kadarating lang. Lumingon din ito sa amin ni Fred na buhat buhat ako. "Achi? What happen to you?" Nakita ko kung paano namuo ang luha sa kanyang mga mata at ilang sandali pa ay tuloy tuloy na itong tumulo. "Lo---la" sabi ko sabay humagulgol na ako ng iyak. "Fred isugod niyo na ang apo ko sa hospital bilis!" Daling sabi nito na agad naman na sinunod ng aking butler. "Elizabeth you can leave this house! Now!" Madiing sambit ng aking lola "No, I won't! This is also my house!" Sigaw ng aking ina. "No, kahit kelan hindi mo ito pamamahay. This is from my son. Wala kang pag mamay-ari dito." "Ako ang ina ni Achi. May karapatan----" "Ikaw lang ang nagluwal sa kanya pero hindi ka naging ina sa apo ko. Leave now" "Hindi pwede---" "Aalis ka o ipapakulong kita?" Malumanay ang tinig ng aking lola ngunit sa boses niya ay halata kong galit na galit na siya. Hindi ko na alam ang mga sumunod nilang sagutan dahil pumasok na kami ng aking butler sa loob ng sasakyan. **************** Minulat ko ang aking mata. Akala ko bumalik ako sa aking pagkabata. Kahit kelan ay di ko nanaisin na bumalik sa nakaraan. Sa tuwing mapapanaginipan ko ang mga sandaling iyon ay kusang lumuluha ang aking mata. May hapdi at sakit pa rin mula sa pagmamalupit sa akin ng aking ina. Gusto ko nang kalimutan lahat na iyon pati ang aking ina pero tila anino na sunod ng sunod sa akin. "Fred!!!" Mayamaya ay tawag ko sa aking butler. *****************   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD