MASS C-10

1945 Words
Hindi ko magawang kumurap habang nakikinig kay Sir Fred, ang saklap pala ng sinapit ni master. Nakakalungkot. Halata din sa butler nito ang lungkot  habang nagkukwento. Ilang sandali ay nakaramdam ako ng inis sa aking sarili. Kaya siguro ganoon na lang ako sigawan ni Master. Kala ko simpleng frame lang iyon. Hindi pala. "Kaya Jane, nakikiusap ako. Kung pwedeng wag kang umalis. Baliwalain mo na lang ang mga sigaw at galit ni Master." Aniya saka humingang malalim. Tamango ako at ilang sandali ay may isang patak ng luha ang tumulo sa aking mata. "Opo" sabay punas sa luhang umabot sa aking pisngi. "Pasasaan ba makukumbinsi ko din siyang magpa therapy na." "Oo nga po. Yan din po ang bilin ni Master Zeus ang pilitin si Master Achi na mag pa therapy." "Kaya nga, ang hirap talaga niyang kumbinsihin. Parang wala na talaga siyang balak na maglakad ulit." "Fred!" Isang malakas na sigaw ang aming narinig ni Sir Fred mula sa aming amo na nasa kwarto nito dahilan para matigil kami sa pag-uusap. Parehas kaming tumayo at agad na pinuntahan si Master. Pagbukas ni Sir Fred ng pinto ay saktong nagsalubong kami ng tingin ni Master. Sa totoo lang pagkatapos kong malaman ang nangyari kay Master noong kabataan niya ay napagtanto kong wala akong  karapatan na sabihing masama ang kanyang ugali. Sino ba naman ako para isipin ang ganoong bagay sa kanya? Kung tutuusin maswerte pa rin ako dahil kumpleto ang pamilya ko at mapagmahal ang aking mga magulang. Hindi na ako pumasok sa loob. Nasa may pinto lang ako at marahang nag bow sa aking amo. "Bakit Master?" Tanong ng kanyang butler ng ito'y makalapit sa kanyang kama kung saan siya nakahiga. "Fred, close the door. I don't want to see anyone except you" Lumingon sa akin si Sir Fred at ako naman ay humakbang patagilid. Ikinubli ang aking sarili sa may gilid upang di ako makita ng aking amo. Lumapit agad ang butler niya sa may pinto at hinawakan ang door knob. "Jane, may topak pa si Master. Mabuti pa eh magluto kana muna ng hapunan, tutal alas-singko na din para maaga makakain at makapag pahinga si Master" "Sige po" at isinara na nito ang pinto. Nakakalungkot isipin na galit pa ang aking amo. Wala din akong maisip na paraan kung paano niya ako mapapatawad. "Hay..." Sabi kong huminga ng malalim at tinitigan ang saradong pinto. ___________________ Alas-nuebe ng gabi ay lumabas ako ng aking kwarto. Matutulog na sana ako ng marinig kong tinatawag ako ni sir fred na nasa pinto. "Magandang gabi po Sir Fred. Bakit po?" Ani ko habang itinatali ang aking buhok nang pa pony tail. "Iha, pwede bang bumaba ka muna, may ibibigay sana ako sayo." Lumakad ito papuntang hagdan na ako naman ay lumakad din palabas ng aking kwarto. "Ano po iyon?" Habang bumaba ng hagdan ay nakita ko ang malaking box na nandoon sa lamesitang kaharap ng mahabang sofa. "Naimbitahin kasi tayo ni Doc sa kanyang birthday party." Umupo siya sa sofa habang ako ay nakatayo doon sa lamesita. Nasa harap ko yung box. May pagtatakang tinitigan ko ito at si Sir Fred. "Ano po ito?" "Buksan mo" sabi niya at sinabayan ng pag ngiti. Tinanggal ko ang takip ng box at muli akong napatingin sa butler. "Damit po?" "Red Dress yan Jane. Kunin mo" Kinuha ko iyon kaya nakita ko ang magandang desenyo nito. V neck na medyo revealing ang parteng dibdib. Maganda ang disenyo at mukang mamahalin. Pero alam ko sa sarili ko di ko kayang magsuot nito. Parang di nababagay sa akin ang ganitong kagandang damit. Inilapat ko ito sa aking katawan at sumakto naman dahil ang haba ay below knee. Mayroon ding shawl sa box. Sa tela palang ng dress at shawl ay halatang sa sikat na clothing shop ito binili. "Sir Fred, ang ganda po nito mukang mamahalin pa po." "Jane may kapartner na shawl yan." Wika ulit ng matanda. At meron ding maliit na paper bag. "Ano po ito" saka ko kinuha. "Ayan ba? Laman niyan ay gamot. Kontra hilo. Nasabi kasi ng isang bodyguard na sumuka ka daw nung nasa speed boat ka" "Ay opo nakakahiya naman nalaman niyo pa po. Speed boat po ba ang sasakyan natin?" "Oo para mabilis ang byahe natin. May susundo nang sasakyan pagdating natin sa may daungan." "Sir fred, pag mamay ari din po ba nila Master yung daungan doon?" "Oo hija," "Ahh sa kanila din siguro yung mga sasakyan na nakahilera doon nung pasakay ako ng speed boat." Muli kong binalik ang damit sa may box at tinakpan iyon. Sa totoo lang ayaw kong sumama sa party na sinasabi ni Sir Fred. Hindi naman kasi ako sanay sa pagtitipon. "Tama Jane" saka siya ngumiti. "Kelan po pala yung party?" "Sa susunod pang linggo iha" "Pwede po bang hindi na ako sumama" sabi ko saka ngumiti. Umiling ang butler. "Hindi pwede Iha, kasama si Master kaya kailangan mo talagang sumama." "Ganoon po ba. Sir Fred parang hindi po kasi ako nababagay sa mga party. Sigurado po akong mga sosyal at mayayaman po ang nandoon." Narinig kong bumungisngis ito dahilan para tignan ko siyang may pagtataka. "Bakit ka natatawa Sir Fred? "Ayaw mo bang makita si Master na naka Suite?" Di ko napigilang ngumiti. Syempre gusto ko din makita ang amo namin na nakasuot ng pormal. Nakita ko naman si Master dati nung kinasal ang kaibigan ko ay dumalo din ito. Kaya naalala ko pa kung anong itsura nito pag naka suite. "Sir Fred naman, binibiro ako." Sagot kong di mapigil ang ngiti. "Biro lang iha, pero kailangan mo talagang sumama. Para may katulong ako sa pag-aasikaso at magbantay kay Master" sabi nitong nakikiusap. Wala naman akong magagawa kahit ayaw ko. Eto naman talaga ang duty ko. Ang magbantay sa aking amo. "Sige po Sir Fred. Trabaho ko naman po talagang alagaan si Master" sabi ko at ngumiti. Ilang sandali ay parehas kaming napalingon sa taas. Sa kwarto ng aming amo. Bumukas kasi iyon at lumabas si Master Achi. Umaandar ang kanyang wheelchair habang nakatingin papunta sa hagdan. Mayamaya lang ay naging slide ito at bumaba doon ang aming amo. Nakatingin siya sa amin ni Sir Fred habang lumalapit, bumaling siya sa akin ng ilang segundo at nakita kong pairap niyang inalis ang pagkakatitig sa akin. Awtomatiko akong napayuko upang magbow. Galit pa siguro si Master sa akin. "Magandang gabi po Master" bati ko habang nakabow. "Fred. Ikaw na lang ang pumunta" istriktong sabi niya at lumingon sa akin sunod ay sa box na nasa mesa. "Master, inaasahan ka po ni Doc na dumalo" sagot naman ni Sir Fred. "What's that?" Tanong nito at sa kanyang butler bumaling. "Master kay Ms. Jane po iyan. Red Dress. Pinapasama ko kasi siya sa party. Para may kasama akong magbantay sayo" sagot ni Sir Fred. Tumayo ito at nag bow sa kanya. Matalim niya akong tinignan sa sya ko namang iwas ng tingin sa kanya. "Tsk, are you sure? She's clumsy" inis niyang sambit. Yumuko na lang ako habang ang dalawa kong kamay sa magkabilang gilid ay madiing hinawakan ang pajamang suot. Nahuhulaan na ni Master ang mangyayari kung isasama ako sa party. Baka nga. Baka nga gumawa lang ako ng eskandalo.  Di ko maiangat ang aking ulo dahil sa kahihiyan. Mata palang niya ang makita ko ay alam kong ayaw niya. Ayaw niya sa akin. "Master ako na pong bahala." Wika ng butler nito. "Whatever, ewan ko sayo Fred." Iritableng sagot nito saka pumunta doon sa malaking pinto na nakabukas pa. -------------------------- Dumaan pa ang mga araw ay ramdam ko ang pagka iritable sa akin ng aking amo may pagkakataon kasi na pag malapit ako sa kanya ay mabilis niyang pinapaandar ang kanyang wheelchair paalis. Wala naman akong magawa. Tanging pagtanaw at pag bow lang ang aking magawa. Sinubukan kong kausapin siya. Kahit simpleng good morning or goodnight ay ayaw niyang marinig sa akin. Sumesenyas kasi siya agad sa akin na itikom ko ang aking bibig. Nakatayo ako ngayon sa pinto ng kanyang kwarto. Nasa likuran ko naman si Sir Fred. Binuksan nito ang pinto, ako naman ay panay hingang malalim ang ginawa habang dala dala ang tray ng may pagkain. "Master heto na po ang pananghalian niyo" at inilapag doon sa may mesa ang pagkain. Nasa may bintana siya nakatingin, tinitignan marahil ang alon ng dagat at ang dalampasigan. Tanghaling tapat kaya malinaw ang kulay ng tubig. Kulay asul. "Out" sabi niyang hindi ako nililingon. Sobra niyang dinamdam yung frame na nabasag ko. Kasama niya kasi ang lola niya sa litrato. Kaya siguro galit na galit siya sa akin. "Okay po" sagot ko na sa totoo lang pigil na pigil ang luha kong wag tumulo. "Now!" Paatras akong humakbang habang nakatingin sa aking amo. Ilang sandali pa ay di ko na napigil ang luha sa aking mata hanggang sa tumulo na ito. Narinig ni Sir Fred ang aking paghikbi kaya lumapit siya sa akin. "Jane, ako na lang muna rito" sambit nitong malungkot ang tinig. Tumango tango na lang ako habang humihikbi saka lumakad papunta doon sa pinto. "Hurry up! Get out!" Muli niyang sigaw dahilan para bumilis ang lakad ko palabas ng kanyang kwarto. ------------------------- Tahimik akong naghuhugas ng mga pinggan at baso sa kitchen sink. Mayamay lang ay narinig ko si Sir Fred na pumasok. Nilingon ko agad siya na kumuha ng dalawang baso at inilapag sa may mesa. "Jane may orange juice pa ba tayo?" Tanong nito saka binuksan ang refrigerator. "Meron pa po. Ako na lang po ang kukuha." Sambit ko at lumapit sa refrigerator upang kumuha ng orange juice. "Para po sa inyo ito ni Master?" Pagkakuha ng pitsel na may orange juice ay isinalin ko naman iyon dalawang baso. "Oo Jane" Pagkatapos kong isalin ay natanaw ko si Master na nandoon sa sala. Nakatingin sa labas ng pinto na tila may iniisip. Bigla itong lumingon sa kinaroroonan ko kaya mabilis akong yumuko at bumalik sa kitchen sink upang ipagpatuloy ang paghuhugas. "Salamat Jane". "Okay po" sagot ko tinignan si Sir Fred na dala dala na ang dalawang basong may orange juice. Mabilis kong inalis ang tingin sa matanda dahil napansin kong nakatanaw sa akin ang aking amo. Muli kong binalingan ang mga hugasin na nasa kitchen sink. Huminga ako ng malalim dahil hindi ko na naman mapigil ang namumuong luha sa aking mata. The way he look at me. I can say that he really hate me. Bigla akong pumikit ng marinig ang paghulog ng babasaging bagay sa sahig. May nabasag at doon sa sala nagmula ang tunog. Pag lingon ko ay basag na baso at nagkalat na bubog ang nandoon sa sahig. "Is that an orange juice!" Sigaw nang aking amo dahilan para ako'y mapapikit sa lakas ng boses nito. "Master, tama naman po ang lasa. Orange juice naman po ito" sagot ng kanyang butler. Lumapit ito sa kanya at inalis ang mga bubog na nasa kanyang paanan. "Hindi ko gusto ang lasa!!!" "Jane, pakitulungan mo nga ako dito" baling sa akin ni Sir Fred at ako'y nagmadaling pumunta sa kanilang kinaroroonan. Nakita ko agad ang mga bubog sa paanan ng aking amo. Lumuhod ako upang maalis ang mga bubog na nasa kanyang paa at sa kanyang step-in. Si Sir fred naman ay kumuha ng plastic at tissue upang doon ilagay ang mga basag na baso. Habang inaalis ang mga bubog ay ramdam ko ang pagka-irita nito sa akin. Nararamdaman ko kasi na matalim ang pagtitig niya sa akin kahit hindi ko siya tignan. "Bilis!! Clean this mess!" Tanging pagpikit ng madiin ang aking nagawa pag naririnig ko ang kanyang sigaw. "Fred. Bilisan mong tanggalin yan. Ayaw kong makakita ng kahit maliit na bubog!" "Opo master" sagot ni Sir Fred.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD