MASS C-43

2221 Words

"Tay!" Wika agad ni Jane pagbukas sa pinto ng sasakyan. Nagmadali siyang lumakad at sinalubong yakap ang lalakeng may edad na. Sa tantya ko ay pa sisenta na ang edad nito dahil sa puti nitong buhok. "Nay!" Wika naman niya sa kanyang ina na palabas sa pinto ng kanilang bahay. "Mabuti at nakapagbakasyon ka dito anak, namimis kana namin. Lalo na si bunso, tuwang tuwa nung nalaman niyang darating ka ngayon" wika ng kanyang nanay saka bumaling sa amin ni Fred na katabi ko na malapit sa sasakyan. "Anak yan na ba ang boss mo?" Tanong ng nanay niya at ilang sandali ay ngumiti sa amin ni Fred. "Opo, Nay si Master po. Yung nasa tabi naman niya ay ang katiwala niya po si Sir Fred" aniya saka tumuro sa amin ni Fred. "Magandang araw po" bati ni Fred nasinabayan ng ngiti. "Magandang araw" wika ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD