"Ate kanina ka pa tulala dyan, may problema ba?" Tanong ng aking bunsong kapatid na kadarating lang galing sa eskwela. Abala ito sa pagtanggal ng sapatos at naupo sa tabi ng kama malapit sa akin. "Hindi kaba masaya na nagkita tayo? Mis na mis na kaya kita ate" wika ulit nito na naglalambing. "Hindi bunso, sobrang saya ko nga na nandito na ulit ako" sagot ko at pilit na ikinukubli ang aking malalim na pag-iisip. Simula kasi kanina na hinalikan ako ng aking amo ay parang naging kalyeng liko liko ang ugat sa aking utak. Nagugulo ang isip ko, natutuliro at higit sa lahat hindi na matanggal ang kaba ko. Si Master. Siya ang first kiss ko. Wika ko sa aking isip saka hinawakan ang aking labi. Ramdam na ramdam ko pa rin ang init ng labi niyang dumampi pati ang amoy niyang hindi ko maipaliwanag da