Alyas Kanto Boy 2 The Reunion Season 2 AiTenshi Part 69 JOMAR POV (AP) "Hanggang ngayon ba magkaaway pa rin kayo ni Bogart? Bakit ba ang tigas mo yata anak? Hindi ka ba naawa sa tao?" tanong ni mama sa akin habang kumakain kami. Samantalang sina Bogs at papa naman ay abala sa paglilinis ng mga sasakyan sa harap ng bakuran. "Ma, manloloko si Bogart, minsan na niya akong niloko, not once but twice. Ano pa bang dapat kong gawin? One is enough, two is too much, three is a poison ma. Baka naman maya maya ay mamatay na ako niyan," ang sagot naman. "Hijo, hindi nakamamatay ang pagpapatawad at yung tao na iyon ay fiance mo at mapapangasawa mo. Bakit ba ganyan ka? Hindi guilty yung tao dahil hindi magsisinungaling sa akin si Bogs." "Ma, sino bang anak mo? Anak mo ba talaga ako? Bakit sa tu