Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 68 ALDRIN POV (AGG) "At saan ka naman pupunta aber?" ang paghila sa akin ni Johan noong makita akong nakagayak at paalis. Hinila niya ako sa buhok dahilan para mapaatras ako. "Arekup, dahan dahan naman. Manonood ako ng rehearsal ni Dante, bakit ba?" tanong ko sa kanya. "Kapag yung rehearsal ni Butanding ay pinapanood mo, samantalang yung rehearsal ko sa speech ko sa meeting de avance ay wala kang pakialam? Anong klase asawa ka? Mas may care pa sa iyo yung mga kasambahay natin na walang sawang nakikinig sa akin," ang reklamo nito. "Alam mo Mr. Escaler hindi mo naman kailangan ideliver ng word by word iyang speech mo. Unawain mo lang at lagyan mo ng puso para maramdaman ng mga audience na authentic ka at hindi ka basta basta nangangabisado.