Alyas Kanto Boy 2 The Reunion 2 AiTenshi Part 83 GREG POV (AKB) "O saan ka pupunta?" tanong ni Raul sa akin noong hakutin ko ang aking gamit patungo sa kabilang silid. "Nandiyan si Sabmarin, tabi na lang kayo dito sa kwarto natin. Baka mahirapan siya doon sa guest room kasi diba ayaw niya matigas na kama. Saka isa pa ay man plan naman kayong mag sama in the near future diba? O ipractice niyo na yung human rights niyo," ang wika ko sabay kuha sa aking kumot at unan. "Hoy, ano bang ginagawa mo? Bakit kailangan mong gawin ito, ha?" ang tanong niya sabay hila sa aking mga gamit pabalik. "Doon na lang ako, tabihan mo na yung nanay ng anak mo. Kunwari ka pa e libog na libog ka naman sa kanya!" "Greg, malaki na yung tiyan ng tao, bakit ganyan ang iniisip mo sa akin? Ganyan ba ako kalaswa