Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 82 GREG POV (AKB) "Ano ba masakit ba ang ulo mo? Naalala mo ba yung ginawa mo kagabi? Alam mo ba na yung asawa mo ay nakipag suntukan sa bar?" tanong ni mama sa akin noong bumaba ako sa kusina. Naalala ko pa yung nangyari kagabi sa bar, kung paano sinuntok ni Raul si Jeun Park, yung lalaking nagbigay sa akin ng drinks. Hindi ko alam kung ano iniisip niya pero hindi niya iyon kinagwapo! Kung sabagay si Raul ay ugaling kanto pa rin kaya talagang mananapak ito kahit kailan niya gusto. Katakot takot rin na sermon ang inabot ko kagabi pero dahil sa hilo ay hindi ko na ito pinakinggan pa. Ngayon ay hilong hilo ako at parang wala sa aking sarili. "Okay naman ako ma, mas better kaysa noon," ang nakangiti kong sagot na kunwari ay bale wala lang sa a