Alyas Kanto Boy 2 The Reunion Season 2 AiTenshi Part 80 ERNEST POV (TLP) "Welcome home! Ano namiss mo ba yung bahay natin? Yung mga memories doon sa kwarto natin naalala mo? Yung mga ungol at walang kapantay na sarap?" ang hirit ni Gomer noong pumapasok kami sa balkunahe. "Huwag ka ngang bastos, kakasama mo kay Johan at Raul ay nahahawa ka na sa kanila," ang sagot ko naman habang hinihila ang aking bag. "Parang hindi ka naman masaya na nakauwi kana?" tanong niya. "Umuwi ako para sa parents mo at hindi para sa iyo. Though naappreciate yung effort ng pag kanta mo doon sa tapat ng boarding house ko sa Cabanatuan. At congrats dahil nag trending ka ulit sa ginawa mo. Ang tanong ay kailan ka ba gagawa ng bagay na walang halong publicity, ha?" tanong ko naman. "Ano bang pinagsasasabi mo