Alyas Kanto Boy 2 The Reunion Season 2 AiTenshi Part 79 ERNEST POV (TLP) Isang linggo matapos kong makausap sila Jomar at Bogs ay narealize ko na pagod na rin pala akong tumakbo palayo. Halos takas ako ng takas at hindi ko na hinarap ang problema. Tama nga sila na masyado akong nagpapakaduwag kaya walang nangyari sa akin kundi ang umalis at maging mahina. Siguro panahon na rin para harapin si Gomer at sapakin sila para magising sa kanilang magandang bangungot. Noong mga oras na iyon ay nagpaalam na lang ako sa aking manager doon sa department store na tatapusin ko lang ang buwan na iyon at babalik ako sa siyudad para ayusin ang aking sitwasyon. Tapat kong ipinaliwanag sa kanya ang lahat at natutuwa siya dahil nagsabi ako ng totoo at naappreciate niya iyon. Sadyang nakikita lang sa