Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 101 GREG POV (AKB) "Im sorry sa nangyari doon sa gabi ng reunion. Hinahanap kita pero wala ka na doon sa paligid. Wala naman kaming choice kundi ang ituloy ang reunion dahil nag eenjoy ang lahat. Tungkol kay Sabmarin pinagalitan ko na ito dahil delikado ang lumabas sa kanya ng gabi," entrada ni Raul. "Kung hindi mo binigyan ng entrance si Sabmarin, hindi iyon pupunta, kaso ay binigyan mo pala kaya talagang pupunta iyon. Syempre kailangan mong ipagmalaki na may anak ka na at maganda ang nanay ng anak mo. Ginawa mo ito para pasakitan ako at gawin akong katawa tawa noong gabing iyon," ang sagot ko naman. "Greg, mali yung iniisip mo. Binigyan ko ng entrance si Sab dahil alam kong hindi naman siya pupunta. Pati ako ay nagulat noong makita siya,