Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 100 GREG POV (AKB) "Salamat sa inyo at sana lakihan niyo ang bigay sa anak ko mga putangna niyo wag kayong mga kuripot!" Tawanan sila. "At ngayon ay nais kong ipakilala sa inyo ang aking asawa, siya ay si.." Nasa ganoong pagsasalita ang si Raul noong bumukas ang pinto at bumulaga si Sabmarin. "Good evening! Yeah ako yon!!" ang entrada nito dahilan para mapatingin sa kanya ang lahat. "Ano naman ang ginagawa ang hinayupak na babae na iyan dito? Ang laki na ng tyan niya ah, dapat doon na lang siya sa apartment!" ang gigil na wika ni Yani. "Anong ineexpect niyo e baliw nga iyan," ang wika ni Dante habang nakatingin kay Sabmarin na nakasuot ng sexy out fit, nakalabas ang maputing legs, ang malaking dibdib, kahit nakabukol ang malaking tiyan