Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 73 GREG POV (AKB) Sa paglipas ng mga araw ay mas lalo pang naging demanding si Sabmarin, malaki ang tiyan nito at mas makulit siya ngayon. Parati na siyang kinakampihan ni Raul kapag nagkakaroon ng inisan at pagtatalo sa aming dalawa. Syempre alam naman ng babae na iyon na kakampihan siya ng aking asawa kaya kung minsan ay sa kanya talaga nagsisimula ang gulo. May mga oras din na nagsstay siya aming bahay lalo na kapag off ng kanyang mga nurse, may oras din naman kami ang nagpupunta roon para dalawin siya. Routine lang halos ang aming ginagawa at sa kabilang banda ay nagiging routine na rin umasta sila isang perktong pamilya habang magkakasama. Hindi naman dapat mainis pero may pagkakataon na parang sinasadya nila yung paglalandian nila ka